Prologue

81 3 0
                                    

"Tumigil ka na sa pagtakbo, utang na loob! Pagod na 'ko! Natunaw na yung tinanghalian ko!" sigaw ng isang lalaking naka-coat habang hinahabol ang isang babaeng estudyante.


Humarap lang ang babaeng hinahabol doon sa lalaki saka ito dumila.


"Hanggang d'yan ka na lang, bruha ka!" sabi pa ng isang babaeng naka-blazer at saka tinutukan ng baril yung babae.


Tumigil sa pagtakbo yung babaeng estudyante. Ngumiti ito at biglang napatili ng malakas yung babaeng may hawak ng baril. Nang masiguradong ligtas na s'ya, saka ulit bumalik sa pagtakbo yung estudyante.


"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki sa babaeng naka-blazer na ngayon ay nanginginig pa rin sa takot. "Sabi ko naman sa'yo doon ka na sa sasakyan. You're The Driver and I'm The Spy," nilingon ng lalaki ang hinahabol nilang estudyante pero bigla na lang itong naglahong parang bula. "Shit, yari tayo nito kay..." biglang tumunog ang cellphone n'ya. "Speaking of the devil..."

"Hello--"

"It's time."

"Ha?"

"Today is the day. We don't have enough time. Bring in The Technologist," binaba na nung lalaki yung phone n'ya.

"Ano ba'ng nangyari? Ayos ka lang ba?" tinulungang tumayo nung lalaki ang kasama n'yang babae."

"Nakita ko yung babae, naglabas s'ya ng baril tapos pinaputukan n'ya ako ng pinaputukan."

"Pero wala naman s'yang ginawa. Nakatingin lang s'ya sa'yo nang bigla kang tumili."

"Kitang kita ko... rinig na rinig ko..."

"Damn! Hindi natin s'ya nakuha. At higit sa lahat, hindi natin alam kung ano ang ability n'ya."

"Ayoko na s'ya ulit makita. Naubos yung kasiyahan sa buong katawan ko."

"Mukhang hindi na natin s'ya makikita for now. We have to proceed. We will acquire The Technologist. Kaya mo bang mag-drive?"

"Ako pa? Kahit nakapikit ako kayang-kaya kong mag-drive."

"Alright. Daanan mo na sa headquarters yung tatlo. I'll have to make sure na we're right on schedule."


Umalis na yung lalaki at naglakad na rin papunta sa isang sasakyan yung babae.



Twisted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon