Chapter 16 [Einar] - Enemy's Lair

9 0 0
                                    

Note: Einar's POV


"Magkapatid kayo?" gulat na gulat na tanong ni JV.

Nandito kami ngayon sa meeting room. They cornered me and I have no other choice kung hindi ang sabihin ang totoo sa kanila. One of the secrets that consumes me so much is already out. Somehow, I felt relieved and afraid. Kung malalaman ni Jervie ang tungkol dito, his fate is sealed. Wala ng way para mailigtas s'ya.

"Magkapatid kami sa ina. Yung nanay n'ya at ang tatay ko, both of them are first kind kaya malayo yung ability ko sa ability n'ya. Namana ko ang dominant gene ng tatay ko. Nalaman ko 'to dahil kay Rowell. Isa yun sa mission na pinagawa ko sa kanya."

Those days were the darkest. Nang nalaman ko na ampon lang ako at higit sa lahat, nang nalaman ko kung sino ang nanay ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa kanya?"

"Hindi p'wede, Ian. Kapag ginawa ko yun, mamamatay s'ya. I also saw that future."

"Paano ka nakakasigurado na yung nakita mong visions, yun pa rin ang mangyayari? Kung ripple effect yun, it means p'wede pang magbago yung nakita mong vision. Ang ano ang kinalaman ng Third Kind kay Jervie?" tanong naman ni JV.

"Yung ability ko na makita ang alternative future, nangyayari lang yun kapag may nagbabago sa future na pinili ko. So, if may mangyaring makakapagpabago noon, makikita ko ulit ang alternate future. This universe, this is the only timeline na buhay si Jervie pero ito rin ang universe kung saan nag-e-exist ang Third Kind. Nakita ko na sila sa visions ko pero akala ko mga ordinaryong descendants lang sila. Then, Darwin confirmed it."

"Kung ano man ang kinakaharap natin ngayon, ibig sabihin ba, lahat ng 'to ay dahil binago mo ang future?"

"Parang ganun na nga, Ian," napayuko ako at medyo nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Baka lalo silang magalit dahil mas inuna ko ang personal na dahilan kaysa sa kapakanan ng nakararami. "Dahil sa pagka-selfish ko, maraming buhay ang nalagay sa panganib. I'm really sorry. I didn't know this will happen."

"Don't worry, Einar," sabi ni JV at tinapik ang balikat ko. Lumingon ako sa kanya. "Hindi ka naman namin sinisisi but you should've told us nung nalaman mo. Para hindi ka nag-iisa. Nandito lang naman kami ni Ian, at ang buong SCD to help you. You may be the leader of the descendants here pero tandaan mo na you are not alone. It's easier to fight each battle if you have all of us at your back."

"Salamat, JV," ito talagang si JV alam na alam ang sasabihin sa bawat moment. Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya. Humarap din ako kay Ian. "Thank you, Ian."

"Wala yun," sagot ni Ian na nakangiti rin. These two, I feel bad kasi kinalimutan kong nand'yan sila. Simula pa lang nang i-assemble ko ang SCD, silang dalawa ang pinakamatagal kong kasama at hindi nila ako iniwan. Kahit ngayon. "First thing we need to think ay kung paano natin matatalo ang Third Kind."

"Yung vaccine," biglang ko sabi. "So far, yun lang ang malakas nating panglaban sa kanila."

"Wala pang successful tests. Hopefully, magawa namin ang vaccine na yun."

"Kailangang magawa na kaagad yun. So far, yun pa lang ang nakikita kong maaari nating panglaban sa Third Kind. We can destroy them one by one and eventually, their whole organization will collapse," sabi ko.

Yes. If we can't take them down as a whole, we'll hunt them one by one.

"Okay. Let's resume with our current mission," sabi ni JV saka tumayo. "I'll do my best para makakita ng lead tungkol sa previous generation ng SCD. Unlike Jervie, hindi natin kilala ang tunay na magulang natin. And somehow, it makes sense if Ian's real mom is The Chemist na gumawa ng A21-H vaccine."

Twisted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon