Note: Ian's POV
"That'll be all. You are dismissed," sabi ni Einar. Tumayo na ang iba.
Tumingin sa akin si JV. May itinatago pa si Einar. Sabi ko sa isip ko at tumango lang si JV. That's how we talk sometimes. Tumingin kami kay Einar at hindi kami tumayo ni JV. After his revelations about confirming the existence of the Third Kind, parang maraming tanong pa rin ang naiwan sa isip ko. The mere fact na he's hiding that secret for a year means there's more to that.
"Can we talk?" sabi ko.
Alam kong alam ni Einar na seryosong bagay ang ginawa n'ya. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya pero alam ko rin na kahit anong gawin naming pagpilit ni JV sa kanya, hindi n'ya sasabihin sa amin ang nalalaman n'ya. Magaling s'yang magtago. Minsan nga kahit si JV ay hindi mabasa ang laman ng isip n'ya. He learned to block his thoughts. What a scary person.
Umupo si Einar. Ilang segundo ang lumipas at walang nagsasalita sa aming tatlo. Nagtitinginan lang kami.
"Isaac."
"Yes, sir Einar?"
"Please send the email to everyone. Nasa draft ng mail ko with the subject, Another Kind. Please add 'please read' and 'urgent' in the subject."
So, ipapaalam na talaga ni Einar ang tungkol sa Third Kind sa lahat ng nandito sa SCD.
"Will do."
"Thanks, Isaac."
"You're welcome, sir Einar."
Nagbuntong-hininga si Einar. "You cornered me. What do you want to know?"
"Everything," matigas na sagot ni JV. "Iniiwasan mong tumingin sa akin dahil alam mong babasahin ko ang iniisip mo. You're disoriented. There's no way you can focus on blocking your thoughts."
"I can't."
"Einar, we're facing a greater enemy," sabi ko. Medyo nanginginig yung mga kamao ko kasi gusto kong sumigaw dahil sa galit. "Hindi tayo mananalo kung hindi buo ang tiwala natin sa isa't isa. Alam naming may mga itinatago ka, pero, yung mga ganung bagay ay dapat sinasabi mo."
"Natatakot akong baka sabihin n'yong naging selfish ako sa desisyon ko."
"What do you mean?" tanong ko.
"What we're experiencing right now is called the ripple effect."
"You mean, yung pagkabulabog ng space-time continuum?"
"Ganun na nga, JV."
Yumuko si Einar at pumikit. Tahimik lang kaming hinihintay ang sasabihin n'ya.
"Few years back, may na-unlock akong bagong ability. Hindi ko masyadong maintindihan yung mga visions ko. It's not from the past nor from the 5-minute future that I can usually see. They're different," tumingin sa amin si Einar. "Na-realize ko na yung mga nakikita ko are from a different future."
"What do you mean 'from a different future'?" gusto ko rin sanang itanong yun kaso naunahan ako ni JV.
"I can see the alternative futures. Hindi ito yung normal na 5 minutes lang. No. Sobrang haba ng length ng visions ko. Although, putol-putol, I've somehow connected them."
"You mean--"
"Like parallel universe?" pagtapos ko sa sinabi ni JV. Parehas kami ng naisip dahil napatingin s'ya sa akin.
"Yes. Like multiverse. Kapag ginagamit ko yung ability ko na yun, hindi ko kayang gamitin ang ability ko ng isang araw. Then, sa lahat ng alternative future na nakita ko, itong future na ito lang ang option ko na pwede nating tahakin. Sa lahat ng parallel universe, dito ko lang nakita na buhay si Jervie."
أنت تقرأ
Twisted
خيال (فانتازيا)A once simple life transformed into a grander one by fate. Si Jervie ay software developer sa isang IT company. Gising, pasok, uwi, tulog - 'yan ang buhay ni Jervie. Simple yet boring hanggang sa makilala n'ya ang mga taong tuluyang babago sa buhay...
