Chapter 29

18.2K 653 57
                                    

"Ready ka na ba?" Ang nag-aalalang tanong ni Kris para sa girlfriend ko.

Nakatitig lang ako kay Star na tahimik lang at mukhang pinag-iisipan ang isasagot sa tanong na iyon. I sighed at wala sa sariling napatingin sa orasan ng aking telepono. 6:00 PM...10 hours to go.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa kaalamang ito na ang huling araw dito ni Star dahil mamaya lang ay aalis na siya kasama ang mga magulang ko. Mabilis lang nila naasikaso ang mga papeles nito dahil na rin sa koneksyon at pera.

"I don't know if I'm ready," Nahimigan ko ang tono ng pag-aalangan sa kanyang boses. Hinawakan niya ang dibdib at napakuyom ang mga palad sa damit nito, nagugusot na ito sa higpit ng kanyang ginagawa. Ramdam ko ang paghihirap niya pero wala akong magawa. "Natatakot ako. Pero...kailangan." She looked at me straight into the eyes, she held my hand tightly as I held it back with the same grip and need. "Dahil, mas natatakot ako...na mawala si Shann sa'kin."

I almost melt because of how her words pierced me inside. May tama talaga, malaki ang epekto. Ramdam ko sa boses niya kung gaano niya ako kamahal. Ngumiti ako sa kanya at magaan na binigyan siya ng masuyong halik sa noo. I caught her closing her eyes, savoring that second. I kissed her lips nang eksaktong idinilat niya ang mga mata, automatic na napangiti siya at kuntentong huminga ng payapa.

"Okay," Napalingon kami kay Kris na pabirong umirap at nagkibit ng balikat. "Palalagpasin ko 'yang pagiging PDA ninyo ngayon."

"Inggit ka na naman." Natatawang biro ko na ikinasimangot niya.

"Asa ka na naman, McBride." Umingos siya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Taas kilay na sagot ko. Maya-maya pa ay sabay-sabay kaming naghagikgikan.

"Si Mom and Dad mo nga pala, nasaan?" Tanong ng kaibigan ko pagkatapos ng ilang segundong pagtawa.

"Ah," Umiling ako. "Naggala kuno."

"Oh, okay."

Ang totoo ay madalas ang pag-alis nila dahil gusto raw nila kaming bigyan ni Star ng oras na mag-bonding. Kahit na papaano ay gumagaan ang loob ko dahil sa ginagawa nila. Lalo na si Dad. Alam ko namang ayaw niya ito pero unti-unti ay sinusubukan niya kaming intindihin. Iyon nga lang, hindi ko na mababago pa ang decision niya.

"Mag-iingat ka doon, Star, maliwanag?" Parang nanay na utos sa kanya ni Kris.

"Opo, Inay," Natatawang sagot ng girlfriend ko bago tuluyang natawa. Nagtago pa siya sa balikat ko at medyo natawa na rin ako dahil nakasimangot na naman ang pikon kong best friend.

"Pinagkakaisahan ninyo ako lagi, ah." Nayayamot na sabi niya at mas lalo pang kumunot ang noo.

Umakbay ako kay Star at nag-peace sign. "Huwag kasing pikon, friend."

"Ewan ko sa'yo."

Pagtapat ng mga bandang six-thirty ng gabi ay tumayo na ako para sana magluto na ng hapunan. Well, nandiyan naman ang mga kasambahay namin pero mas gusto kong luto ko ang huling matitikman ng mahal ko bago lumabas ng bansa.

"Ayos! Gutom na ako, eh." Natatakam na pahayag ni Kris habang katabi si Star na parehong sumusunod sa akin papuntang kusina.

"At sino may sabing kakain ka ng luto ko, aber?" Tanong ko ng pabiro. "You can go home na."

"What?" Ngumuso  siya. "Gutom na 'ko, Shann!"

"Binibiro ka lang niyan," Sabi ni Star habang ina-assist ang kaibigan patungo sa lamesa. Pinaghila niya pa ito ng upuan at pinaupo. "Ayan, diyan ka lang at maghintay."

"Aye-aye, captain!" Kris saluted at nagsimula nang maging abala sa kanyang cellphone. Ka-chat siguro si Rain.

Si Rain kasi, hindi siya nawawalan ng oras kay Kris kahit na pagod siya at walang tulog minsan. Sweet din iyong pasaway na babaeng 'yon talaga, eh.

Don't Touch Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon