Chapter 25

18.7K 611 38
                                    

"Hoy, kayong dalawang mag-jowa, bilisan ninyo nga!"

Napairap ako sa ginamit na term ni Kris sa amin ni Star. Hindi maganda pakinggan para sa akin. I don't mean to offend anyone, it's just my opinion. "Shut up, Kris. Bakit ka ba nagmamadali?'

Huminto siya sa harap namin at nameywang kahit na may bitbit pa rin siyang mga shopping bags. Mga tatlo lang naman. She let out an exhausting sigh before she opened her mouth. "Paanong hindi magmamadali, gawin ninyo ba naman akong chaperone!"

Natawa tuloy ako and at the same time ay naawa. Mukha na nga talaga siyang chaperone. Sorry naman, ang cute niya lang kasi tingnan habang nakasunod sa amin. Lumapit na ako sa kanya and kinuha yung mga inirereklamo niya. "Akin na nga."

"Buti naman."

"Utu-uto rin kasi, eh." Pang-aasar bigla ni Star before she released an annoying smile. "Ikaw lang naman kasi rito yung walang kasamang jowa." My girlfriend quoted the last word.

Napanguso naman ang best friend ko at inirapan siya. "Shann, pagsabihan mo 'yang girlfriend mo, ah. Nagiging Rain the second na." Pagbabanta niya sa akin. Lumapit siya sa bandang tainga, obvious na may ibubulong. "Iba talaga kamandag ng babaeng 'yon."

I smiled. If I know, nami-miss niya lang ang pinsan ko. Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Dito pa nga lang kay Star, malayo pa lang ako saglit ay nami-miss ko na kaagad siya ng sobra. Well, I guess that's how clingy I am.

"At least, you enjoyed our company, right?" Sincere na sabi ng ever understanding na si Star ko.

Napangiti na rin finally si Kris at tumango, then she snorted playfully. "And I cringed every time na sobrang sweet kayo. Para kayong newlyweds, eh."

"Well..." Umiwas ako ng tingin habang nakangiti ng nakakaloko and I shrugged my shoulders ng pabiro. Na-focus ang tingin ko kay Star and I winked at her nang madako ang tingin niya sa akin. I giggled when she blushed. Cute!

'Tama na, nauumay na ako!" Parang nalolokang pag-awat sa amin ng kaibigan ko.

I can't help but to laugh as I remembered kung paano namin nakasama si Kris ngayon...

"Want to hangout?"

Napalingon sa akin si Star mula sa pagbabasa niya ng book. She arched her eyebrow. Oh, that was sexy.

"Saan?" she asked.

"Hm..." I hummed, thinking kung saan kami pwedeng pumunta. Hindi ako prepared, eh, bigla ko lang naisip. "Mall tayo. Okay lang?"

She pursed her lips for a while, contemplating whether she will agree or not. After a few seconds ay bumalik ulit ang atensyon niya sa akin at tumango. "I guess pwede na rin. I think I can manage."

"Good!" That's all I can mustered to say. Pero deep inside, I was hopping mentally like a kid. Para sa akin kasi ay date 'yon.

Ang laki na talaga ng changes niya. A good changes though. And I love it.

Pagkatapos naming makapag-ayos ay umalis na rin kami gamit ang sasakyan ko. Pagkadating namin sa mall ay hawak kamay kaming naglakad. Medyo matao na kaya tinanong ko pa si Star kung ayos lang ba siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang comfortable pa naman siya. Inilapit ko lang siya sa akin so that she won't panic with this bunch of people around us.

Don't Touch Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon