Chapter 17

22.2K 784 90
                                    

"Good morning, beautiful."

Para naman akong natunaw sa kanya nang ngiti agad ang unang iginawad ni Star nang imulat ang mga mata. Kakagising niya lang but here I am─at her room.

Inabot ko sa kanya ang dala kong tulip na bulaklak. Eh, ba't ba, ayaw ko ng rose, eh. Para naman akong aning na kinilig nang abutin niya iyon at inamoy.

Sa totoo lang, hindi ko ma-appreciate yung mga taong nagbibigay sa akin ng bulaklak pero nang makita ko kung paano siya ngumiti sa binigay ko, pakiramdam ko alam ko na. Ang lagay lang, mas gusto kong ako ang magbibigay sa kanya.

"Thank you," mahinang pagpapasalamat niya. Medyo husky pa ito pero ang hot lang pakinggan. Bedroom voice, shocks.

Hindi pa rin ako sanay na ganoon ang boses niya sa umaga. Malambing na parang nang-aakit. I know she didn't mean it pero ganoon talaga ang nagre-register sa pandinig ko.

"W-welcome," sagot ko na lang. Lumunok ako. Shann, stop those thoughts! "Meron pa."

Kinuha ko sa may bedside table yung pinatong kong breakfast niya. Nilagay ko iyon sa ibabaw ng kama. Napapangiti tuloy ako dahil namumula siya. Ewan ko ba, ang cute niya kasi, eh.

"Breakfast in bed." I mumbled while giving her a peck on her forehead.

"T-thank you," she whispered, "ang sweet mo."

"Lagi naman akong sweet, ah?"

Tumango siya bilang pagsang-ayon. "I know po."

Kinuha ko yung kutsara at tinidor saka sinimulan siyang pakainin. Gusto ko 'tong ginagawa ko. At sa totoo lang, kinikilig ako every time na susubuan ko siya. She looked gorgeous. Sa ganitong way, mas malaya kong napagmamasdan kung gaano siya kaganda. Kahit bagong gising lang siya, kahit magulo pa ang buhok at damit niya, at kahit minsan parang napapapikit pa ito. Plus ang cute niya humikab. I sound so obsessed.

Pagkatapos kumain ay agad ko rin namang niligpit yung pinagkainan niya. Bumalik ako sa kwarto niya at humiga sa malambot na kama.

"Shann?"

"Hm?"

"Ma-maliligo lang muna ako."

Napalingon ako sa kanya. "Sige."

She nodded and smiled bago bumangon. Pumunta siya sa closet niya para kumuha ng damit bago pumasok sa banyo. Napahugot na lang ako ng hininga nang marinig ko na yung lagaslas ng tubig mula sa shower. Hay, gusto kong sumabay sa kanya maligo.

Well, it's not just because I'm lusting over her. I love her. Tingin ko lang, sweet din yung gano'n. Ewan, doesn't it feel great kapag ganoon?

Pero kuntento na ako sa ngayon. I won't demand anything from her na hindi bukal sa kanya. I want this moment...I want this to last.

Ang saya ng ganito na alam mong paggising mo sa umaga, kapag bago matulog sa gabi, yung taong mahal mo kaagad ang una at huli mong masisilayan. It's like a dream, a very pleasant dream. Masaya na mapagsisilbihan mo siya, maaalagaan, at map-protektahan. It felt surreal.

Araw-araw ko talagang liligawan si Star kahit maging kami pa.

After half an hour ay lumabas na rin siya ng banyo, bihis na rin ang dalaga. Her hair's wet na pinupunasan niya ng towel. She looked fresh. Well, lagi naman.

Lumapit ako sa kanya and pinaupo ko siya sa bed. Kinuha ko yung towel at ako na mismo ang nagtuyo ng buhok niya. Medyo basa ang likuran ni Star dahil sa mahaba talaga ang buhok niya. Napatitig pa ako ng medyo matagal kasi bakat yung ano niya...yung bra─yung hook. I cleared my throat at binawi ang tingin.

Don't Touch Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon