Chapter 5

26.6K 1K 104
                                    

"Girls! Saan ninyo gustong gumala?" I asked Rain and Kris once we all got inside the car. Nasa likuran silang parehas samantalang ako ang nasa driver's seat. Mukha talaga akong driver nila but it's alright. May sasakyan naman ako, hindi ko lang talaga madalas gamitin. For some reason, Rain didn't bring a car with her, hindi ko tuloy sigurado kung nag-cab lang ba siya or nagpahatid.

Both of them shrugged their shoulders and I sighed in return. I shook my head and smiled. Wala na, nablangko na kami.

"On the spot ka ba naman kasi mag-aya," reklamo ni Kris.

"Pumayag naman kayo, eh." sagot ko. Hindi ko naman na kasi naisip 'yon nang mag-aya ako. Maybe I just got really excited. Who wouldn't? "Eh, wala ba kayong gustong puntahan? Mall, perhaps?"

"You know me, Shann, I don't like malls." Kris answered.

Rain lightly scratched her right cheek with a smile. "Ngayon lang ulit ako napadpad dito so medyo hindi ko na kabisado yung mga places dito. I like malls pero..." She looked at my best friend. "I don't want to go kung may isang hindi mag-e-enjoy."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanila. Rain looked sincere and concern, ngayon lang naman sila nagkakilala pero ibang atensyon ang binibigay ng cousin ko kay Kris. Maybe she just didn't want my friend to be left out. Well then, edi ako na lang ang bahala sa gagalaan. Now, where should we go...

"Both of you are adventurous, right?" They both nodded their heads. Nagkatinginan pa sila at nginitian ang isa't isa. Now I see where should we go to enjoy. "Good!"

"How about you?" Rain asked me.

I simply smiled and shrugged my shoulders. "Akong bahala."

Both of them knew that I'm not the adventurous type. I don't want to take risk for fun. At isa pa, marami akong kinakatakutan. It's not that I'm kill joy or what, or maybe I am, if looking out for my safety will be like that.

"So, brace yourself, guys." I told them. Binuhay ko na ng makina ng sasakyan.

"Saan tayo?" Kris asked.

"Nandito pa lang tayo sa car." pilosopong sagot ko. I earned a glare from her through the mirror.

"Wow, ah." Umirap siya na ikinatawa ko.

"Joke lang." was all I said.

--

"Woah." Kris and Rain said. Parehas silang titig na titig sa lugar, mukha silang bumalik sa pagkabata.

Ngumisi ako at inakbayan si Kris. Matangkad si Rain, eh, mahihirapan ako. "Cool?"

"Yes!" Kris answered with a big smile on her lips.

"Super cool, lady," segunda naman ni Rain. Siya na ang mismong umakbay sa akin.

"Good, wala naman sigurong may takot sa height sa inyo, 'di ba?" tanong. Aaminin kong takot ako. Well, balak naming mag-zipline at bungee jumping─I mean, sila lang ang gagawa no'n, 'no. Except na lang kung si Star ang kasama ko, baka sumama pa ako. I know to myself that I've got nothing to be scared of especially when I'm with her.

"Medyo takot ako." My best friend answered, nakangiwi na ito pero bakas naman sa itsura na gusto niya talagang subukan.

"Don't worry," Rain the savior said, "I'm here, Kris."

"Great!" I beamed. "So, halika na!" I held their hands and pulled them. Wala na rin naman silang nagawa.

--

"Ready?" Ang tanong no'ng guy na nag-assist kina Kris.

"Wait!" sigaw ng best friend ko. Napapikit naman ang pinsan ko dahil sa lakas ng boses niya.

Don't Touch Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon