Chapter 22

17.5K 642 15
                                    

Shann's

"Hey, what's with the gloomy face?"

Lalo akong napasimangot sa tanong niya, sabayan pa ng nakakaasar nitong tawa. Si Kris tahimik lang habang si Star ay nagbabasa lang na akala mo ay walang pakialam sa nangyayari sa palagid niya.

"Shann, ngumiti ka nga! Kainis naman 'to, eh." Nakanguso nang pakiusap niya. I can't do anything. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Kailangan mo ba talagang umalis, Rain?" mahinang tanong ko.

Nawala ang ngiti sa labi niya at mabagal na tumango. "Uulit na naman ba tayo?"

"Pero—"

"Mag-enjoy na lang tayong lahat ngayon, okay?"

Tiningnan ko siya, hindi naman ako makaangal. I sighed. "Okay."

Bukas na. Bukas na ang flight ni Rain. Sa mga nagdaang araw, wala kaming ginawa kung hindi mag-bonding lang. Dito ko siya sa bahay pinag-stay kaya tuwing uwian ay isinasabay ko na rin dito sa Kris para magkasama-sama kami. Tuwing gabi naman ay umaalis silang dalawa para makapagsolo. Date, gano'n.

"Anong gusto ninyong gawin, guys?" Tanong niya sa amin habang pinaglalaruan ang buhok ni Kris. Pinapaikot niya ang ilang hibla ng buhok nito sa daliri niya. Si Kris naman ay napapangiti na lang.

"I want to read," sagot ni Star.

"Kumain," sagot ko.

"Ang boring ninyo naman." Ang poker faced ng expression ng pinsan ko. Itinigil niya ang ginagawa sa buhok ni Kris at umakbay na lang dito. "Inom tayo?"

"Water?" Star asked.

Napairap na lang sa kanya si Rain while I tried to restrain a laugh. Ang inosente naman kasi ng pagkakatanong niya.

"Silly." Rain chuckled. "Water is necessary, indeed. Pero hindi water. We're going to drink, I mean, drink. Magpapakalasing tayo!"

Napakunot naman ng noo si Star sa sinabi ng pinsan ko. Ibinaba niya ang librong binabasa. "Bukas na ang flight mo pero gusto mong uminom ngayon?"

"Ako lang? Tayong lahat iinom siyempre." She grinned.

"I don't think that's a good idea," singit ko sa usapan nila.

She groaned and sighed afterwards. "Huwag namang kj. Ngayon lang ulit ako titikhim ng alak! Sige na kasi."

"May topak ka ba, Rain?" Kris wrinkled her eyebrows. "Baka bukas magreklamo ka riyan na may hang-over ka. Nako, babatukan talaga kita."

"Hindi 'yan!"

Napailing na lang ako habang nagpipigil ng ngiti. Ano pa nga ba. Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Nagtatalun-talon naman siya sa pwesto niya habang humahagikhik. Hinalikan niya pa sa cheeks si Kris nang maraming beses.

Sa huli, sa dami ng pagtatalo namin, nag-settle na lang kami sa drink na alam ng marami—Empi. Inumin ng mga tambay, estudyante, at kung sinu-sino pa.

Maging normal na tao naman daw kami kahit na ngayon lang. Kapag ba hindi nainom ng gano'n, abnormal agad? May topak talaga 'tong babaeng 'to.

Pagkatapos bumili ay inayos na namin lahat. Pagdating sa inuman, ang bilis. Pinatong namin sa center table yung dalawang long neck na Empi pati na rin yung mga chicharon at junk foods. Hinanda na rin ang ice at tubig. Tig-isa kaming mga baso. Nanlaki ang mata ko nang abutan ni Rain si Star ng baso at agad itong sinalinan na may kasama nang yelo.

"What the," I gasped. "Rain! Bakit kasama si Star?" Aagawin ko sana yung baso kaso inilayo niya agad sa'kin. Tinitigan ko siya nang masama. I averted my gaze at Star. She was looking at me, and obviously she's confused. "Star, don't drink."

Don't Touch Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon