BLOOD-11

43 4 0
                                    


[FREEZE ICE MINT]

"Oh? Anyare sayo? Bat ka ngumingiti at namumula Jan?"


Napabalik naman ako sa katinuan ng may biglang sumalita sa harapan ko.


Napa irap nalang ako ng si Talk lang pala iyon.


Pumunta ito sa kanyang maleta saka kumuha ng damit. Habang ako naman ay humiga sa kama saka tumalukbong.


Lintek kasi. Bat ba naninira ng moment yung madaldal na yun? Tsk. Kinikilig pa ako eh. Haha


Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko saka binuksan ito. Wala paring text ay bakulaw na si Clae. Langya talaga.


Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto ng CR . Pero binalewala ko lang ito saka tinext si Clae. Asan na ba kasi ang asungot na yun? May kailangan pa akong ikwento eh. Tsk


"Hey.. Punta raw tayo sa baba. Mag didinner na, kasama natin yung iba pang bisita." Narinig kong sabi ni Talk.


Agad ko namang tinanggal ang pagka talukbong ko saka hinarap si Talk.


"Geh, una ka na"

Tumango lang ito bago umalis. Gutom na rin ako eh. Masamang tumanggi sa grasya.


Tumayo na ako saka kumuha ng damit sa dala kong maleta. Saka ako naligo at nag ayos lang ng konti. Suklay lang saka pabango.


Sumulyap naman ako sa salamin saka tiningnan ang kabuuan kong suot.


White hanging na may print na skull saka isang high waist short at black vans.

Ok na to.




Bumaba na ako saka tumungo sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin. Nakita ko naman agad ang mga kasama ko na may ilan ilan ring kasamang Hindi ko kilala.


Ngumiti lang ako ng tipid sa mga ito saka lumakad palalapit sa kanila.


"Oh andyan na pala si Ms.Mint eh!" Sabi ng isang katrabaho ko.


Tumango lang ako rito saka humanap ng mauupuan. Lintek, wala ng available seat. Aalis na sana ako para dun nalang sa kabilang table uupo ng napatigil ako ng may biglang sumalita.

"Hey lady! Come here!"


Agad naman akong napalingon ng makilala ko ang boses nito. Dali dali akong umupo sa tabi nito saka agad ko itong sinakal gamit ang braso ko at pinukpok ko PA ang ulo nito.


"Langya kang lalake ka! Tinext kita kung asan kana! Tapos nandito ka lang pala!" Nang gigigil na sabi ko rito.


"Aray ko naman!" Saka nito pwersahang tinanggal ang pagkaka sakal ko sakanya.


"Tumakas lang ako dun sa ka business ni dad! Kaya ko naiwan yung cellphone ko sa loob ng office!" Iritadong sabi nito habang inaayos ang buhok nito.


"Tsk, kahit na! Bat di mo man lamang ako sinabihan na pupunta ka pala?!" Sigaw ko rito.

"Hehe. Sorry na..." Sabi nito saka ako yinakap.

Yayakapin ko na rin sana pabalik si Clae ng may narinig akong biglang may tumikhim. Sabay naman kaming napalingon ni Clae rito.

"Bawal ang PDA sa harap ng lamesa." Seryosong sabi nito habang masama ang tingin kay Clae.


Grei Steve Harrison?


Agad namang napataas ang kilay pero ramdam ko ang pag init ng pisnge ko saka sumalita.


"Pake mo ba?" Pilit tapang kong sabi dito.



Leche kasi eh! Bat ba kasi to nandito?

Nag 'tsk' lang itong muli saka tumayo at nag walk out. Problema nun?


Napadako naman ang atensyon ko sa babaeng sumunod rito. Tsk, sya ang anak na babae na mukhang binabae ng boss ko. Talo pa nito ang pokpok kung mag suot.

Napataas naman ang kilay ko ng makita ang lalakeng kaharap ko na nakanganga habang nakatitig sakin. Problema rin nito?


Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagmumukha ng taong naka nganga sa harapan ko. Pamilyar kasi ang mukha nito na para bang nakita ko na ito noon.


Binalewala ko nalang ito saka kumain na.

BLOOD(the Night Courier)Where stories live. Discover now