BLOOD-3

62 7 0
                                    


Chapter3- Meet up

(AN: just imagine her wearing that dress with a black bag pack and a black burgan shoes)

[Freeze Ice Mint]


Napangiti naman ako ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Ganda ko talaga!

Kinuha ko naman ang black bag pack ko na partner sa black dress ko. Naka black burgan shoes rin ako.

Lumabas na ko ng apartment ko at nakita ko si Clae na nakasandig sa Black Bugatti nya sa labas. He's wearing a formal attire. Agad naman itong napalingon sakin ng makita ako. Ilang segundo na ang lumipas ay wala itong isinasalita at tanging naka titig lang sa akin.

Nakabalik naman ito sa realidad ng sapakin ko ang pisngi nito.


"Y-you look, be-beautiful" nahihiyang sambit nito habang nakayuko.


"Bat ka nauutal na Gago ka?" Natatawang sabi ko.

Umangat naman ito ng ulo saka kumamot ng batok. Parang bata talaga 'tong isang 'to.

"W-wala" nahihiyang sabi muli nito.

"Naks naman mukha kang tao ngayon" saka ko ginulo ang buhok nito.

"Naman eh! Mapagod kayang magsuklay tapos gugulhin lang ng isang babaeng masona!" Reklamo nito.

"Heh! Sa pag type nga ng kung ano ano sa computer mo, di ka tinatamad! Tapos sa pagsuklay tinatamad ka! Bakulaw ka talaga" iling iling na sabi ko.

"Ang daldal mo. Pumasok kana nga lang"

Saka ako nito tinulak papasok sa kotse nya. Habang ako tawa ng tawa lang.

Umikot ito saka punasok na rin. Agad naman nitong pinaandàr ang kotse patungo sa pupuntahan namin.

•••

Inilibot ko naman ang paningin ko pagkapasok namin dito sa venue ng party. Seriously? Sigurado ba talagang party lang ito?

"Oy! Nganga kana jan?"

Agad ko namang sinapok si Clae. Panira talaga ng moment 'tong taong 'to.

"Tama ba talaga ang napuntahan natin?" Paninigurado ko.


Nagtataka namang tumingin sakin si Clae bago sumalita. "Tama naman, bakit?"

Umiling iling nalang ako bilang sagot. Patuloy kong nilibot ang mga mata ko at patuloy parin akong namamangha.


Humanap na kami ng reserved seat para sa aming mga press. Ah, oo nga pala. I'm a reporter in a known company here in the country, ginawa ko lang na part time ang pagiging courier.

Me and Clae are working at the same company. Nakulangan pa kasi kami sa sweldo namin and things happen suddenly, so we decided to team up. That's the story.


Napalingon naman ako sa stage and notice that the party is about to begin. Sunod sunod na ang mga speech at kung ano ano pa.


Habang kami ako ay kuha ng kuha ng pagkain. Si Clae naman ay nag vivideo sa bawat pang yayari dito sa party. Nakakaboring kaya rito. Bat ba kasi kami pa ang na assign dito eh.


Nabigla naman kaming lahat ng biglang bumukas ang entrance at iniluwa nito ang maraming tauhan ng CIA. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng kanilang uniform na may bullet proof vest. May mga kanya kanya rin itong baril at ilang segundo lang ay napalibutan na ng mga ito ang lugar.


Napasigaw naman ang lahat dahil sa pangyayari. Ang mga iba naman ay nagsisitakbuhan papalabas pero hindi ito nakakalabas dahil nakapalibot ang mga ito sa amin.


Kanya kanya namang nagsi labasan ng kanilang mga baril ang mga ibang tao rito. Naka disguise lang pala, mga bodyguards ito ng may ari ng party. Pinalibutan naman ng kqnyang mga tauhan ito habang prenteng nakaupo ito sa gitna ng stage.


"Kuhanan mo iyan ah" bulong ko Kay Clae.

Tumango naman ito saka pumwesto kung saan hindi sya masyadong kita. Habang ako naman ay pasimpleng lumapit sa kinaroroonan ng may Ari ng party.


Napalingon naman ako sa entrance ng bigla itong bumukas at iniluwa ang isang mala anghel na tao sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.

Ehemm.. Nosebleed!

Naka suot rin ito ng pang CIA at may kapit kapit ring baril. Prente itong naglakad papalapit sa pwesto namin. Pero agad rin itong tumigil ng bigla itong tutukan ng baril ng bodyguards ng may Ari ng party.

Napangisi naman ito bago sumalita.

"Mr.John Smith, you are under arrest" cold na sabi nito.

Napataas naman ang kilay ko ng may tumawa. Tsk, delikado toh. Lakas ng tama eh.

Bigla namnag nag give way ang mga bodyguards na nakapalibot sakanya ng lumakad ito papalapit sa gwapong lalake. Sya pala yung tumawa, baliw ata eh.

"And why would you arrest me?" Nakakalokong salita nito.


"By illegal transacting through the different country here in Asia. And for managing an illegal business, which is making drugs and other dangerous things."


Agad namang lumaki ang mata, oops.. Scratch that. Mas lalo namang lumaki ang mata ng matandang may Ari ng party dahil sa sinabi ni di ko kilala, basta pogi toh.

Agad namang sinenyasan ng matanda ang mga tauhan nito. At agad namang nagsipaputok ito ng kanilang baril.

Pero nauna ng bumagsak ang mga tauhan ni tanda dahil agad na itong binaril ng mga iba pang CIA.

Napaluhod naman sa sahig si tanda ng posasan sya ng mga CIA. Pero naglaban ito at inagaw ang baril ng isa sa CIA at agad na nagpaputok.




"Aarrgh.."

Napatingin naman ako sa tiyan ko.


D-dugo.... M-may du-dugo...


Napabagsak naman ako bigla sa sahig ng dahil sa tinamaan ang ng dep*tang tandang iyon!

Nakita ko namang binaril si tanda ng mga CIA sa balikat at agad na pinukpok sa ulo para mawalan ng Malay si tanda.

Nagtaka naman ako ng bigla akong lumutang. Sh*ngina! Dapat talaga nag paka bait na ko eh! T*ngina! Mababawasan na ng magandang nilalang sa mundo!

Oh lord.. Jusko! Wag mo muna akong kunin! Pano na ang future ko? Ang mga magiging anak ko? Ang magiging asawa ko? Pano na madadagdagan ng magandang lahi dito sa balat ng lupa? Sayang ang magandang lahi namin kung kukunin mo agad ako!!

"Please.. Miss,.. Hold on"

Napasinghap naman ako ng may biglang sumalita.

"Sh*t!!" Sigaw ko ng muling kumirot ang tama ko sa tiyan.



Holy sh*t! Buhay pa ko?!!!

Naramdaman ko namang inilatay ang katawan ko sa kung ano bago ako mawalan ng Malay.

BLOOD(the Night Courier)Where stories live. Discover now