BLOOD 1

85 7 1
                                    


Chapter 1- BLOOD

[Freeze Ice Mint]

Agad naman akong napamulat ng biglang tumunog ang phone ko sa bedside table. Napadabog naman ako saka kinuha ang phone.

||Bugwit|| calling...


"P*ta! Siguraduhin mong seryoso yan kung ayaw mong masapak kita"

("Easy... Easy.. Ang aga aga high blood ka na?") Saka ito tumawa sa kabilang linya.

"Puputulin ko talaga yang lalamunan mo kung hindi mo pa sasabihin ang dahilan kung bakit ka tumawag"

Napatawa naman ito saka tumikhim.

("Okay.. So here it is. Uhm.. A-ahh.. Ano.. Uhmm.. ")

"T*ngina mo Collins!"

Agad ko namang inilayo ang phone ko ng bigla itong tumawa ng napaka lakas. Napansin naman ata nitong wala akong balak sumalita kaya sumalita na ito.

("You have a new mission")

Agad naman akong napaupo mula sa pagkakahiga.

"When?"

•••

Agad naman akong napangisi ng makita ang isang lalakeng naka upo sa waiting area dito sa hospital. Hindi ko nga alam kung bakit dito pa nila balak isagawa ang transaction eh.


Seriously? Sa isang hospital?


Inilibot ko naman ang paningin ko saka nag masid. Maraming akong tao na nakitang nakapalibot sa taong nakita ko kanina.

Kung normal na tao lang ako, hindi ko mapapansin ang mga mukhang unggoy na bodyguards ng punyetang client namin. Naka civillian ang mga ito at hindi mapagkakamalang bodyguards.

Leche, takot ba 'to sa pwedeng mangyari sakanya?

Edi sana sa mga mukhang unggoy na bodyguards nya nalang sana ipadala ang walang kwentang package na wala akong pakialam kung ano ang laman.

Inayos ko naman ang earpiece sa tenga ko. Saka pasimpleng sumalita.

"P*ta mo, Collins! Siguraduhin mong tiba tiba tayo rito. Kung ayaw mong gawin kitang lechon ng alaga ko" Naiinis kong sabi.


("Hahaha. Chill lang, dugo. 50,000 rin to")


"50 thou? T*ngina mo! Mag sasayang lang pala ako ng oras ko rito eh. Kulang pa iyon!" Reklamo ko.


Napapalingon naman sakin ang mga taong naglalakad malapit sa pwesto ko. Kaya agad kong kinuha ang phone ko at nag kunwaring may kausap rito.

Agad naman akong lumakad papalabas ng hospital. Kung alam ko lang na ganto rin pala ang mangyayari, edi sana kapiling ko na ngayon ang pinaka mamahal kong higaan.

("Hindi na tayo pwedeng magback out!")

Agad namang napataas ang kilay ko saka tumingin sa CCTV saka nag dirty finger rito.

("Oy ,dugo! Nakita ko yon ah!")

Napangisi naman ako dahil dito. Meet Clae Eight Collins, ang salot sa buhay ko. He's my partner in crime, he's a computer genius. He can hack anything basta nasa mood yan.

Just never do anything to make him angry. Pati kasi lungga ng CIA napapasok nya. He hacked the system of the CIA and remove their security for 40seconds.

Kaya ngayon, hinahunting yan.

"Why?"

("Nalagay na nila ang pera sa bank account natin")

Agad naman akong napasapok sa noo ko.

"Bring it back to them." Saka ko tinanggal  ang earpiece ko at agad na tinapon saka tinapakan.

Bahala sya sa buhay niyang gumawa ulit ng bago.

In off ko naman ang tracker na nilagay nya sa phone ko saka lumabas ng hospital. Dali dali akong pumunta sa parking lot saka kinuha ang Susi ko sa bulsa ko at pumasok na ng kotse ko.

Agad naman akong napangisi ng makita ang naka engrave na pangalan sa Susi ko.


Blood..

BLOOD(the Night Courier)Where stories live. Discover now