“Let’s go, babe.” sabi nya gamit ang lalaking boses nya kaya napairap ako pero kumapit ako sa braso nya.

 

“Kadiri yun Ramon. Last na yun ah, hindi talaga bagay.” sabi ko habang tumatawa.

 

Samantalang yung itsura nya ay parang nakakita ng multo. Kaya napatingin ako sa harap namin kung saan sya nakatingin.

 

“King..” agad na bulong ko nang makita kung saan sya nakatingin.

 

Napalunok ako at feeling ko parang namutla ako. Nakatingin sya sa akin at hindi ko mabasa yung mukha nya. Napatingin naman ako sa babaeng kasama nya at nakahawak pa ang kamay sa braso nya.

 

Parang nanghihina ako at nanlalambot ang tuhod ko. Kaya ang laki ng pasasalamat ko na nandyan si RC sa tabi ko.

 

Kaso nagulat ako ng biglang naglakad papalapit si RC sa kanila, kaya napasunod tuloy ako sa kanya.

 

“Hi Misty.” bati ni RC dun sa babaeng kasama ni King. Wow, magkakilala sila? At bakit parang lalaki tong si RC ngayon?

 

Nakayuko lang ako dahil ayokong makita sa harapan ko na may kasamang babae si King. Kung walang nangyari sa Bora malamang nahila ko na sa kanya tong pugitang babaeng to eh kaso medyo ang awkward namin ngayon.

 

“Hey, couz!” ganting bati sa kanya nung babae. Pinsan naman pala nya eh, hindi kasing legal na bakla tong si Ramon, hindi alam ng family nya ang tungkol dun.

 

“Date mo?” dagdag nung babae.

 

“Hmm, sort of. She’s Elle, by the way.” he chuckled. Agad akong napatingin kay RC at sa mukha nyang yan na tatawa-tawa halatang balak nya talaga to. Hindi kasi sya kilala ni King!

 

Napatingin ako kay King na nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at yung tingin ko ay napunta dun sa babae.

 

“Hi Elle!” bati nya sa akin at ngumiti lang ako. “This is King nga pala, he’s also my date. King si Kuya Ram, cousin ko tapos his date si Elle.” pagpapakilala nya tapos tumango lang si King. Hindi man lang sya ngumiti o ano.

 

Ang awkward talaga, hindi ba nararamdaman nang babaeng to yung aura namin? Gusto kong magsalita at marami akong gustong sabihin kay King pero parang nalunok ko ang dila ko. Saka baka kung ano ang iniisip nya sa amin ni Ramon!

 

“Sige, Misty, una na kami. Kailangan namin ng alone time ng date ko.” He winked at naglakad na kami papaalis.

 

Nung makalayo kami ay tinulak ko sya.

 

“Hoy Ramon! Anong sa tingin mo ang ginawa mo?” inis na sabi ko pero si RC parang hindi man lang affected sa ginawa nya.

 

“Saving your guts from that bastard.” seryosong sabi nya. Ang creepy lang kasi parang lalaki ang nasa harap ko.

 

“Pero paano kung iba ang isipin nya tungkol sa atin?” nagpa-panic na sabi ko.

 

“Ano naman kung iba ang iisipin nya? May pakealam ba sya sayo?”

 

BULLS EYE. Tamang-tama sa akin yun. Tama sya, sinabi na din ni Luke sa akin to. Nakalimutan ko nga pala na wala syang pakealam sa akin.

 

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. “Cheer up, girl! Let’s go, pa-salon tayo. Ipakita mo dyan sa asawa mo na yan kung gaano kalaki ang nawala nya sayo.”

 

Pinilit kong ngumiti. Tama sya, hindi lang pala sya, tama sila.. masyado na yata akong martyr na nakakalimutan ko na yung sarili ko.

 

Ibinigay ko na ang lahat pati ang sarili ko sa taong mahal ko pero hindi nya yun pinahalagahan at hindi nya pa din ako kayang mahalin.

 

Sapat na siguro yung nagawa ko-- siguro sobra pa nga. Kung hindi nya ako kayang mahalin, kahit masakit, kailangan kong unti-unting kalimutan sya.

 

Ngumiti ulit ako, yung totoo na. “Tara!”

 

Nagsimula na ulit kaming maglakad papuntang salon pero napahinto ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text yata kaya agad kong kinuha.

 

From: My King

Let’s talk, Hailey. Please.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon