9. Plan

393K 3.2K 225
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Tumagilid ako ng higa at ti-nry na pumikit at makatulog pero wala pa din. Hindi maalis sa utak ko yung pangyayari kanina at yung mga sinabi nya.

 

“I want you... to stay away from Luke. I don’t wanna see you flirting with him. May asawa ka na, act like one. Landiin mo na lahat wag lang ang bestfriend ko.”

 

Parang bombang sumabog sa pandinig ko yung mga sinabi nya. Masyado kasi akong nag-assume ng kung ano-ano kaya ano ba ang napala ko, sakit. Ano pa ba ang ine-expect kong sa lalaking katulad ni King?

 

Gusto kong magsalita pero parang biglang nawala ang boses ko. Umalis sya ng kwarto at hindi na bumalik.

 

Bumangon ako at tumayo para pumunta sa baba. Kailangan ko lang sigurong uminom ng tubig para antukin.

 

Papunta na sana ako sa pintuan ng mahagit ng mata ko ang isang picture frame. Nilapitan ko iyon at kinuha. Hindi ko tuloy mapigilang mangiti sa nakita ko. Natago nya pa pala to.

 

Habang nakatingin ako sa picture na yun, hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang at galit.

 

Sa picture, may magkasamang batang lalaki at babae. Yung babae nakatingin dun sa lalaki at may malawak na ngiti tapos yung batang lalaki naman kulang na lang ay sumayad na yung nguso sa lupa. Nakakatawang isipin na kaming dalawa yun.

 

Yun yung mga panahong malaya akong makalapit sa kanya at makasama sya. Yun yung panahong wala syang pakielam kung anong gawin ko sa buhay nya at hindi nya pinapansin yung mga gulong naidudulot ko sa kanya. Dati yun... nagbago ang lahat ng dumating sa buhay namin ang ahas na Fiona na iyon.

 

Hindi na ako nakakalapit sa kanya at konting mali ko lang napapansin na nya. Ang sakit lang isipin.

 

Ibinaba ko yung picture frame nang may biglang pumasok na plano sa isip ko. Kung hindi ko sya makuha sa ganitong paraan, marami pa namang pwedeng gawin. You’re so smart talaga Elle.

 

Excited kong idi-nial yung number ni RC.

 

“Bwiset ka Elle Villegas! I will make sabunot you for interrupting my business again. Hindi mo ba alam na nasa--”

 

“I love you too Ramon. Dali meet me sa ****. Now na!” sabi ko at agad na pinatay. Baka kumontra pa si bakla eh.

 

We're Married (Published)Where stories live. Discover now