13. Date [2]

373K 3K 239
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Speechless.

 

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras na to kaya tumango-tango nalang ako. Si King ba talaga itong nasa harap ko? Sya ba talaga ang nagsabi ng mga katagang yun?

 

Tulala lang ako dun at hindi ko din napansin na umalis na sya sa harapan ko. Nakita ko syang nakikipaglaro sa mga bata. Habang nakatingin ako sa kanila, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Naawa ako sa mga batang yun, sobrang sama ko naman pala. Nasa akin na ang lahat samantalang sila bata palang ito na ang kinagisnan nila.

 

Nagulat ako ng may biglang humila ng damit ko. Pagtingin ko isang batang babae. Ang ganda ng mata nya, napaka-inosente.

 

Itinaas nya yung kamay nya na parang nagpapakarga.

 

What? Sa akin pa talaga? Napatingin ako kay King at nakatingin lang sya sa amin. Parang hinihintay ang susunod kong gagawin. Kailangan kong magpa-impress kaya kinuha ko yung cute na bata at inupo sa lap ko.

 

“Ayusin mo ang hawak mo sa kanya, baka mahulog sya.”

 

Napaangat ang tingin ko ng marinig ang boses na yun. Nakita ko si King sa harap ko at nilalaro yung batang nakaupo sa akin. Kung titingnan para kaming pamilya. Oh my gosh, the thought of it makes me jump in joy.

 

“Stop smiling like an idiot, sabi ko ayusin mo ang paghawak mo sa kanya at baka mahulog sya.” sabi nya na nagpabalik sa akin sa reality.

 

“Ganito ba?” sabi ko at inayos yung pagkakahawak ko sa bata.

 

“Aish.” narinig kong sabi nya at hinawakan bigla ang kamay ko. I can feel my heart pounding so loud. Kuryente... iyan ka na naman.

 

“Ganito.”

 

Inayos nya yung pagkakahawak ko dun sa bata tapos binitiwan nya yung kamay ko. Nakakalungkot naman, parang ang bilis nung pangyayari. Nung binitawan nya ang kamay ko, I felt empty.

 

Nagsilapitan na din sa amin ang ibang mga bata. Nawala na yata ang takot nila sa akin. Ang taray ko yata kanina.

 

“Ang ganda nya talaga.” narinig kong bulong ng isang batang lalake.

 

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon