"Nasaan? Kung nagaaral kayo, bakit ni minsan hindi ko man lang kayo nakitang nakinig sa guro bagkus tulog lang ang napansin ko sainyo..."

Napangiti si Rio sa sinabi ko...

"Hindi mo pa ba matatawag na pagaaral ang pagastos ng pera para lang sa tuition fee, at ang pagaksaya ng walong oras sa boring na klase?"

Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sakanila...

Napahalukipkip na lamang ako sa mga sinabi nila, bahala kayong ipaglaban ang prinsipyo niyo. Wala na akong pakialam.

~*~

"Sharla!" uwian na pero hindi parin nila ako tinitigilan.

"Ano na naman ba?"

"Sama ka saamin..." anyaya saakin ni Rio.

"Pwede bang magpahinga nalang tayo, pagod na ako..." mas lalo silang lumapit saakin at magkabilaang inakbayan ako.

Kanina si Jasper lang, ngayon tatlo na sila. Ano ba! kalian ba nila ako titigilan?

"Opppp! Hindi yan pwede, may pupuntahan tayo" sabay sabay na utas nila at tsaka ako pwersahang isinakay sa sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Susunduin pa ako ni Mama." Pagmamaktol ko.

"Alam na ni Tita na kasama mo kami kaya huwag mo ng problemahin iyon..."

Tinaasan ko sila ng kilay... "Hindi halatang plinano niyo to"

Napangiti na lamang sila at tsaka binuksan ang radio na mas lalong nagbigay sigla sakanilang tatlo at ang mas lalong nagpairita saakin. Maingay!

Saan ba talaga kami pupunta?

Dala narin siguro ng pagod dahil sa pasaway na tatlong ito kaya nakatulog ako ng tuluyan...

Rio's POV

Mabilis ko silang hinampas sa balikat ng makita kong payapang natutulog si Sharla sa backseat katabi ko.

"My Baby already sleeping..." sambit ni Jasper na nakatanggap naman kaagad ng batok galing kay Jel.

"Anong baby ka diyan!"

"Bakit? Masama ba?"

"Ou, walang pu-pwedeng tumawag sakanya ng ganyan..."

"At ikaw lang ang pwede ganun?" sagot naman ni Jasper.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga pinagtatalunan nila at tsaka ako sumiksik sa tabi ni Sharla at inayos ang posisyon niya, medyo nakakaramdam narin ako ng antok at nagbabalak na sumandal sa balikat niya ng bigyan ako ng masamang tingin ng dalawa.

"Ou na, hindi na! Ayusin niyo muna yang pagmamaneho niyo at iidlip muna ako."

"Psh!" rinig kong sambit ni Jasper at tsaka pinagana ulit ang radio ngunit hindi katulad kanina kalakas, medyo mahina na ngayon.

"Hindi ka ba babangon diyan?" dahan dahan kong naimulat ang mata ko ng mapansin kong nakapatong na pala ang ulo ko sa mataray na si Sharla.

"Sorry!"

"Sorry, sinasadya mo yata ei..." inis na sambit niya.

Nakita kong iginala niya ang mata niya sa paligid at marahil ay nagtataka ito kung nasaan si Jel at Jasper.

Nauna siyang lumabas ng kotse at sumunod na lamang ako sakanya ngunit hindi pa nga ako lubusang nakakalabas ay rinig ko na kaagad ang paghanga sa paligid.

Tama nga ang hinala namin na magugustuhan niya ditto...

"Maganda ba?" tanong ko habang lumalapit sakanya.

"Ou... paano niyo nalaman ang lugar na ito? Para tayong nasa tuktok ng bundok... Ang ganda..."

Napangiti ako...

Naramdaman kong may kumalabit saakin galing sa likuran at sila Jasper na pala ito.

"Nagustuhan niya ba?" tanong ni Jel.

"I think so" sambit ko at tsaka ko siya ininguso habang hindi parin makapaniwala sa nakikita niya.

Makalipas ang ilang minute ay lumapit ito saamin at masiglang hinila kaming tatlo.

"Anong gagawin natin?" clueless na tanong namin.

Lumayo kami ng konti sa kotse at mas lumapit sa hangganan ng bundok.

Binigyan niya kaming tatlo ng kakaibang ngiti at tsaka huminga ng malalim.

"Kung mag-s-stay kayo doon, hindi niyo mae-experience kung ano ang mas masarap sa lugar na ito..." aniya.

Tatlo kaming nakatitig sakanya at namamangha sakanya...

Idinipa niya ang kanyang dalawang kamay, at dinama ang bawat hampas ng hangin...

At sa hindi malamang kadahilanan ginagaya na namin ang ginagawa niya...

She's really amazing to discover this incredible moment...

VOTE, COMMENT

Finding YouWhere stories live. Discover now