Chapter 34

2.4K 43 11
                                    

Chapter 34

I was lost in a different dimension. All visions appear at the same time. Hindi ko matukoy kung past, present or future ba ang mga ito. Pag natapos ang isa, may papalit agad na isa.

I can't take this na. Nakakahilo na kasi.

Pero may napansin ako..

Ni isa wala man lang appearance ng wolf.

Ang galing noh? Sa dami ba naman ng mga visions eh napansin ko pa.

Nandun silang lahat. Ang mga kaibigan ko, tao man o bampira. Ang mga magulang ko. Si Erick. Pati yung sa kalaban naming grupo ng mga bampira na nangangain ng tao. Kasama na din si Natalie and yung nakita kong baby na hawak niya.

Pero may nakita pa akong isang baby. Di ko alam kung babae ba siya o lalaki. Basta angel-like ang kanyang mukha. Ang ganda nung bata. Kaso nga lang, di ko kilala ang bata; kung sino siya at kung sino man ang mga magulang niya.

*******

Minulat ko na ang mga mata ko..

Unang tumambad sa paningin ko si Erick na nakadukmo sa tabi ko. (Naks nag-iimprove na ako sa Filipino. XD)

Nakita ko na nasa isang kwarto ako. Nakahiga ako sa isang kama. The room is more like a bedroom, yun nga lang walang cabinet or dresser. A bed, some chairs and two couches, magkabilaan sa room; isa sa left and isa sa right. White ang walls, tapos yung nag-iisang window sa left ay nakasara. Si Luciana at si Gavin ay nandito din. Yun nga lang nasa right sofa si Luciana, si Gavin sa left. Di sila nag-uusap.

“Gising ka na pala.” Sabi ni Gavin. Automatically, umupo ng diretso si Erick.

“Ayos ka na ba?” tanong ni Erick. Saka ko lang napansin na hawak-hawak niya ang kamay ko.

“Oo. Ano bang nangyari?” Hinawakan ko ang ulo ko and--- OUCH. Ang sakit. Hindi ata maayos ang kalagayan ko.

Magsasalita sana si Erick kaso may umentrang babae na nakasandal sa pinto.

“Tinitingnan namin kung kaya mong magkaroon ng pangitain kaugnay naming mga lobo. Ngunit, wala kang makita at bigla kang nahilo. May tumulong dugo sa ilong mo saka ka natumba.” –Olivia

Tumulong dugo bago matumba? Baka ngayon kasi nosebleed ulit ako sa Tagalog nila? T.T

“Huwag ka nang magsimula, Olivia.” Ani ni Gavin kay Olivia.

“Bakit Kuya MASON? Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita mawari.” Sabi niya. Nag-emphasize pa siya nang sabihin ang pangalang Mason. Naku, parang walang alam ang loka.

Napansin ko si Luciana. Hindi siya nakangiti. Yung expression ng mukha niya ay.. parang nag-aalala. Sabi sa inyo friend ko yan eh! ^o^

Dumating na si Dad sa kwarto. Kasama niya yung wolf leader. Hinigpitan ni Erick ang hawak niya sa kamay ko..

“Nak. Kamusta na ang kalagayan mo?” tanong sakin ni Dad sabay lapit sa kama ko. Ni-pat niya sa shoulder si Erick. Nag-nod na lang siya.

“Okay lang po, Dad. Kaya lang masakit ang ulo ko..” --ako

“Nakikita niyo na? Hindi na dapat nangyayari ang mga ito, Marcus. Sana madadaan na lamang ito sa pamamagitan ng isang kasunduan na kung saan wala nang napipilitang kailangang ikasal.” –Dad

Marcus pala ang pangalan ni wolf leader? -.-a

“Landon, nasubukan na natin ito ilang taon na ang nakalipas. Subalit, nang magsimula na ang digmaan, nawala at nakalimutan na ang kasunduang ito.”

The Dhampir's DaughterWhere stories live. Discover now