Chapter 29

2.6K 39 4
                                    

Chapter 29

Ayun. They took us. -___-

Pinasakay kami sa isang van. Guess napagod sila kakatakbo at kakahanap samin?

"Ate Jean. Paano tayo makakaalis sa kanila?" bulong na tanong sakin ni Nikka na nakaupo sa tabi ko. Sa left siya, sa left niya si Sarah and sa tabi ko si Erick. Sa likod niya si Samuel, then si Abie then si Lauren then si Micah sa dulo. Di kami makakaalis ng van dahil may mga lobo (na naka-human form) na nakaupo sa bawat dulo. Okay lang kasi naka-shirt na sila. And nababawasan ang amoy,Bale parang convoy nila to. May mga kotse pa na kasunod. Di ko na nakita ang bampira na nagsumbong sa kanila kung nasaan kami. Baka sa ibang kotse siya nakasakay.

"Ate Jean." tawag ni Nikka na parang may hinihintay. Ay oo nga noh. Yung sa tinanong niya.

"Ah. Di ko alam." sabi ko

Inakbayan ako ni Erick. Di siguro siya makaimik dahil may lobo sa tabi niya. Kung makabantay ba naman wagas. -__-

"Makakaalis din tayo." bulong ni Erick tapos naramdaman ko na hinalikan ako sa right side ng ulo ko.

"Paano?" --ako

"Hindi kayo makakatakas." --si lobo na nasa tabi ni Erick

"Whatever." narinig namin na bulong mula sa likod. Si Abie. Nakita ko ang mukha nung lobo na nagsalita, parang nainis ata siya.

Si Sarah medyo nakasiksik sa side ni Nikka. Ayaw na ayaw niya sa amoy ng lobo, kitang-kita. Kaya ang lobo na katabi niya, lumalayo din sa kanya. Even me, I feel uneasy with that.. stench. Ay ang sama. Stench ba naman daw.

I think I know kung paano kami makatakas.

Pinipilit kong isipin ang situation namin, para marinig ni Tyler. Mind reader nga siya eh diba? Ayun. Yun lang ang iniisip ko. Mula dun sa time na dumating sina Samuel hanggang sa ngayon.

Medyo matagal ata ang biyahe namin? Mga dalawang oras bago kami makarating sa isang.. village? Basta may mga bahay, may mga.. residents. It's just like a simple village. But the sten-- smell just got stronger. Napatakip tuloy kaming mga babae sa ilong namin. Well, except for Sarah and Lauren. Pwede naman kasi sila hindi huminga. They can live with no oxygen. Tapos naramdaman kong tumungo si Erick and si Samuel. Di ba sila nababahuan sa amoy? O sadyang awkward pa gang lalaking dhampir ay nagtatakip pa ng ilong? Ay ewan.

We reached this parang house. I mean a BIG house. Parang mahaba pa siya sa likod eh. Mansyon pala.

Meron pa kasing gate na binuksan para makapasok ang mga kotse. Tapos nagpark ang van na sinasakyan namin sa mismong tapat ng pintuan nung mansyon. Pansin ko may mga hedge din na nakapaligid. Pero di sila ganun kataas.

Pinababa kami sa van. Kami ang nauna tapos sina Lauren ang sumunod. Pinapasok kami sa mansyon na bahay. Di naman sa pilitan, no choice lang talaga kaya napapasunod kami. Baka patayin kami pag hindi kami sumunod. Yung istura ng mansyon, parang normal lang na bahay or tirahan. Walang jewels or glass. Parang, yung mga tirahan sa US na may mga bookshelves, may mga sofa, etc. Di ko masyado makita ang iba pang lugar kasi nakaharang ang mga lobo sa sides. Pati nga sa harap ko merong dalawa eh. Nakahawak lang sa left hand ko si Nikka tapos sa kabila niya si Erick. Sa right ko nakahawak lang si Sarah. Tingin-tingin lang siya sa mga gamit. Sa likod namin nandun ang iba. Feeling ko magkakahawak ang kamay ng mga couples.

The Dhampir's DaughterWhere stories live. Discover now