Chapter 15

3.2K 55 3
                                    

Chapter 15

Ako ang nag-alaga kay Erick buong araw. Sinubuan ko, inabot sa kanya ang mga kailangan niya, tinulungang magbihis (though nakapikit ako), and the other things you do while taking care of sick people.

Ngayon ay tulog na silang tatlo. Nandito pa din ako sa house-hospital-room na to. Ayan. Nagawan ko na ng code name. XD

Nakahiga ako ngayon sa sofa. Dito ako matutulog.

Si Arriane kasama ko dito. Nagte-text. Di ko alam kung sinong ka-text niya.

Ako, nagmumuni-muni. ^_^

Biglang bumaho. Hindi naman yung as in mabaho. Yung biglang naging.. parang.. basta. Ayaw ko sa amoy. Nababahuan ako.

"Arriane. Naamoy mo ba yun?" --ako

"Sshh. Oo. Merong lobo. Kailangan natin tingnan.." bulong niya

"LO--" tinakpan niya ang bibig ko.

"SSHH. Oo." --Arriane

Sumilip kami sa bintana. Nasa second floor kasi kami. Merong lalaking nakasandal sa pader. Pero hindi namin makita ang mukha kasi nakatungo ang lalaki.

"Ayun siya oh." bulong ni Arriane

"Oo. Nakikita ko na." bulong ko

Bumubulong kami kasi sure naman na maririnig kami ng lobo kapag malakas. Pero siguro kahit bulong lang, baka dinig din niya.

"Psst. Anong amoy yun?" --??

Pagtingin namin sa likod namin, si Abie. Gising siya pero nasa kama.

"Shh. Merong lobo sa labas." --Arriane

"Nagbulong ka pa eh naririnig din." --Abie

"Bayaan mo na." --Arriane

"Tingnan natin sa baba?" --ako

"Wag na." --Arriane

"Baka mag-skandalo dito." --ako

"Wait." --Arriane

May tinawagan siya sa phone niya. Ako, pinagmamasdan ko ang lalaki sa labas. Hindi niya inaangat ang ulo niya.

"Papunta na dun sina Charles." --Arriane

"Charles?" --ako

"Yung lalaking blonde ang buhok. Charles ang name." --Arriane

"Aah." --ako

Pagtingin ko sa baba, wala na yung lalaki. Pero ganun pa din ang amoy.

~*knock knock*

May kumakatok sa pinto.


Tumingin sakin na parang natatakot si Arriane. Si Abie nilagay ang unan sa mukha niya.

The Dhampir's DaughterWhere stories live. Discover now