Chapter 50

15.8K 452 54
                                    

Happy ending

Pumikit ako at itinaas ang kamay para harangan ang liwanag na mula sa taas ng tech-booth. Nasa rehearsal kami ngayon dito sa MOA para sa blocking at program flow ng homecomg concert namin.

Tumingin ako kay Miki na inaayos ang effects nya. Si Tomo ay kausap ang isang staff tungkol sa timpla ng tunog nya para sa bass nya. Si Rei ay tinitingnan ang mga cymbals ng drum set nya.

Busy ang lahat.

"Meg, anong problema?" Tanong ni Unice sa akin.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nasa stage kami ngayon para mag pasada ng isang kanta.

"Masaya lang siguro ako kasi nakabalik na tayo."

"Meg, masaya ako, kasi alam kong mahal mo ang banda at nagawa mong mag sakripisyo, proud ako kasi hindi ako nabigo na mag tiwala sa inyo. Salamat at hindi mo kami iniwan."

"Unice..." Kinagat ko ang ibabang labi at inayakap sya.

"Basta, masaya ako kasi masaya kana." Wika nya pa habang mahigpit akong yakap.

Tama sya. Masaya na ako ngayon at hindi ko na ulit iiwan ang happiness ko.

"Girls! Mag bigay kayo ng hand signal kapag hindi nyo marinig yung mga sarili nyo, para matimpla natin yung tamang lakas ng tunog natin." Galing sa tech-booth ang nag sasalita.

"Okay!" Wika ko sa mic.

"Yung program flow lang ang susundin natin para hindi magulo!"

Pag katapos ng rehearsal ay inalis ko ang gitara sa katawan ko at uminom ng tubig. Pinunasan ko pa ang leeg ko dahil sa pawis.

Nilapitan ako ng mga kabanda ko at sandali kaming nag usap-usap.

Sandaling nag kagulo at nawala ang ingay sa paligid kaya napatingin kami lahat sa mga nasa tech-booth.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Miki habang tinitingnan ang mga taong nag kukumpol sa tech-booth.

Umakbay si Tomo kay Miki at nakitingin na rin. Si Rei ay tahimik lang habang nakikiramdaman rin.

Lumapit ako sa mic para mag salita.

"Anong meron dyan?" Ngisi ko.

Walang pumasin sa akin at patuloy sila sa pag kukumpulan doon. Muli akong humarap sa mga kabanda ko pero agad din natigilan ng makarinig ng pamilyar na boses.

"Ahhmm, is this working? Fuck , okay-okay!"

Nag katinginan kaming tatlo nila Miki at Tomo. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pag usbong ng kaba sa dibdib ko.


"Is that your-"

Hindi natapos ni Rei ang sasabihin ng mag salita ang baritonong boses sa tech-booth.

"Meg-"

Hindi nya pa natatapos ang salita ay pumunta na ako sa mic at inuhan sya.

"Sabi mo nasa work ka!"

"Baby, pwedeng bang pag salitain mo muna ako? Lagi mo nalang ako ini-interrupt."

Nag tawanan ang lahat kaya napahawak ako sa mukha ko. 

Solid!

"Baby, I want you to listen, okay?"

Tumango ako kahit hindi ko sya nakikita sa tech-booth. Kinakabahan ako kung anong sasabihin nya pero makikinig ako.

"Two years ago, I died, because I let you go. That was my darkest moments, but God gave me another chance and I will not waste it, not again."

Huminga ako ng malalim para mas maintindihan ko ang mga sinasabi ni Lid. Hindi ko napigilan kagatin ang daliri ko dahil nag uumpisa palang sya sa pag sasalita ay parang naiiyak na ako.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon