Chapter 44

10.2K 363 88
                                    

Two years 

"Thank you!" Wika ko saka kumaway sa maraming tao. Tumingin ako sa mga ka banda ko at sabay-saby kaming ng bow habang malakas ang sigawan na naririnig namin. Kakatapos lang ng concert namin sa Madison Square Garden.

Two years na ang lumipas simula ng iwan namin ang pilipinas para i-pursue ang career namin sa international scene at hindi naman nasayang yun dahil natupad namin ang pangarap naman. We are now one of the famous band in the world. Nakasama na namin ang lahat ng magagaling na artist at lahat ng sikat. People already heard our music. We achieved our goal.

"Congratulations girls! That was fantastic!" Salubong sa amin ni Unice.

"Ang sarap ng palakpakan ng mga tao." Wika ni Rei.

Tumango ako sa sinabi nya. Naalala ko ang mga unang araw at buwan namin dito sa Amerika. Hindi madali pero nakaya namin dahil kasama namin ang buong team. Lahat ng tagumpay ay hindi lang dahil sa amin kundi pati na rin sa mga taong kasama namin nangarap at nag hirap kung nasaan man kami ngayon.

Pag katapos ng concert ay nag pahinga muna kami ng tatlong araw para makapag gala at shopping. We need a break from our busy schedules. Sa loob ng dalawang taon ay kasama ko ang mga ka banda ko at masaya ako kahit paano na nag stick ako sa desisyon ko. Oo masakit na iwan ang taong pinakamamahal ko pero ganun naman talaga eh. It is never easy to say goodbye and although goodbye seems to be the hardest word to say, keep faith that saying goodbyes is in fact a new path to hellos.

"Are you guys ready to go home?"

Walang sumagot sa amin sa sinabi ni Unice. Nasa kotse na kami kotse na papuntang airport. Pauwi na kami sa pilipinas para sa homecoming concert na gagawin namin. Ang totoo ay hindi ako nakatulog buong gabi. Iniisip ko kung anong mangyayari sa pag babalik ko sa Pilipinas. Paano ko sya haharapin? Kaya ko ba syang harapin na hindi ako nasasaktan? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

I forced myself to walk away from everything we once shared. As much as I still wanted to be close to him, I failed because I choose to break his heart. I choose to let him go.

Naalala ko pa kung paano ang huling pag uusap namin ni Lid. Ang huling beses na narinig ko ang boses nya. Ang huling beses ko syang nakita at nahawakan. Ang araw na mamatay ang puso ko.

"Meg, kung aalis kana sige umalis kana..." Nahihirapang nyang tugon.

Nag kamalay na sya galing sa aksidente at laking pasasalamat ko sa diyos dahil binuhay nya si Lid. Umiyak ako at lumuhod sa pag dadasal sa kanya na wag nyang kunin sa akin si Lid.

"Lid, try to understand." Hiwakan ko ang kamay nya pero hinawi nya yun. Parang sinaksak ang puso ko sa ginawa nya. Yumuko ako at hindi ipinakita ang luhang nag landas sa mga mata ko.

"Pero hindi ko maintindihan! Kahit anong gawin ko hindi ko maintindihan!" Tumaas ang boses nya. "Meg, kaya ko naman ibigay sayo ang lahat, bakit kailangan mo pang umalis?"

"This is not about money Lid. It's my dream. Kasama 'to sa kung sino ako...Ito ako." Kinakapos ako ng pahinga sa pag iyak.

Humarap sya sa akin na mapula ang mga mata. "At hindi ko matanggap kung sino ka..."

"Lid naman-"

"My decision is final." Tumigas ang boses nya. "Kapag umalis ka, tapos na tayo."

Habang tinitingnan ko sya ay lalong sumakit ang puso ko. Gusto kong mag stay pero biglang ng flash sa utak ko ang mga ka banda ko. Ang mga taong mawawalan ng trabaho kapag umalis ako. Si Unice. Ang mga fans namin. Worth it ba? Worth it ba na iwan ko si Lid para sa kanila? Hindi ko alam, hindi ako sigurado pero ang alam ko lang ay kailangan kong mag sakripisyo para sa nakakarami. Kahit ako ang masaktan dahil alam kong masasaktan ko ang taong pinakamamahal ko.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon