Chapter 47

12.3K 430 83
                                    

Happiness

Nag aayos ako ng pag kain sa lamesa dahil dadating ang mga kaibigan ko. May usapan kami ngayon na pupunta sila dito. Ngumiti ako ng makita ko na ayos na ang lahat.

Pumunta ako sa kwarto para maligo. Nag suot ako t-shirt at shorts na pambahay.

Nakatingin ako sa salamin, at habang tinitingnan ko ang sarili ko ay masasabi kong marami na ngang nag bago.

Naalala ko pa noong bata ako. Ang dami kong gustong gawin, lahat gustong kong matutunan pero habang tumatanda ako, nagiging simple ang gusto ko sa buhay.

Ganun naman siguro yun talaga, finding yourself is never an easy task to do. Ang subukan na hanapin ang sarili mo ay parang ang pag habol sa sariling anino mo. You can grasp at is as much as you want, but it's always changing shape at the last minute, and it's always out of reach.

Mahirap hanapin ang sarili, kasi hindi mo naman talaga mahahanap ang sarili mo. The person you wanted to find at 15 is not the person you want it today, and the person you want to find today is not the person you'll want at 45.

You are always growing and changing and experiencing new things. So, attempting to find yourself means you would be chasing after someone who can never quite be found.

Pag dating ng mga kaibigan ko ay agad kaming kumain at nag kwentuhan. Kapag kasama ko sila ay mas nakakalimutan ko ang tungkol kay Lid.

Isang linggo na rin ang lumapas simula ng mag let go ako, at hindi ako nag sisisi sa ginawa ko, dapat nga ay matagal ko ng ginawa yun.

"After ng homecoming concert nyo, anong plano?"

Tumingin ako kay Mimi na kumakan ng salad sa bowl na hawak.

Ayaw nyang kumain ng karne dahil diet sya. May isa character kasi syang gagampanan at kailangan sexy sya sa tv, not saying she's not sexy. She's sexy as hell!

"Wala pang sigurado, pero baka bumalik kami sa amerika para sa bagong album."

Nilingon ako ni Lara na umiinom ng tubig sa harap ko. Muli kong ibinalik sa platong nasa harap ko ang tingin.

"We thought, you're staying for good?" Lara asked.

Tumingin ako sa kanya. "That's the initial plan, pero wala na naman sigurong rason para mag stay diba?"

Nag tinginan ang dalawa at humarap sa akin. Alam ko ang iniisip nila.

"Meg, I'm happy that you're now moving forward." Wika ni Mimi.

Tiningnan ko sya at ngumiti. Noon kapag pinag uusapan ang tungkol kay Lid ay sobrang kirot sa puso ang nararamdaman ko, pero ngayon ay nabawasan na yun.

Siguro kasi tanggap ko na, tanggap ko na, na hindi na talaga pwede.

Masakit, pero alam kong lilipas ang sakit. I just need time.

"Tama yan, ang trabaho hindi ka iiwan!"

Tumawa ako sa sinabi ni Lara. Buti nalang talaga at nandito sila.

"Nag text pala si Z, baka daw di sya makapunta, iyak daw kasi ng iyak si Baby Ycos." Imporma ni Mimi.

"Hirap talaga kapag may pamilya na, parang di ko pa ata kaya." Dagdag naman ni Lara.

Two years ago ganun ang pananaw ko pero that was the Meg I was, iba na ngayon. Naalala ko ang eksena habang karga ni Zia ang anak nya katabi si Yuan. Ang sarap panuorin. Nakaramdam ako ng kaunting inggit.

"Lara, you're not the marrying type, talagang hindi bagay sayo ang may anak, ano, isasama mo sa gig mo yun anak mo, dalawa kayong mag D-DJ?" Ngisi ni Mimi.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon