Ang lalaki naman ay halatang lasing na ito at tila baliwala sa kanya ang sinabi ni Erica. "Miss kung gusto mo bibigyan kita ng malaking halaga, sumama kana lang sa akin." Anang lalaki sabay hapit nito sa dalaga. Bigla naman itong tinulak ni Erica.

"Bitawan mo ako bweset ka." Naiiyak ng saad ni Erica sa lalaki sabay hampas niya dito ng hawak na tray. Dahil sa nangyari ay agad na nagkagulo sa loob ng bar.

"Tawagin niyo ang may ari ng bar." Anang lalaking nambastos kay Erica. Agad namang lumapit ang manager ng naturang bar.

"Sir, ano pong problema?" Tanong agad nang manager ng naturang bar ng makalapit ito. "Anong probema?" Anang lalaki. "Itong waitress niyo, ang arte na ang bastos pa." Anito. Kaya agad binalingan ng manager ang dalaga na naiyak.

"Erica, diba sinabi ko ng dapat mahaba ang pasensya ninyo sa mga customers ng bar." Iiling-iling na turan nito sa dalaga.

"Dapat sa mga ganitong waitress ay tinatanggal sa trabaho." Saad pa ng lalaki. Kaya agad na tumayo si Frank.

"Isang buka pa ng bibig mo at papalunukin kita ng bala." Banta ni Frank sa lalaki. Ang lahat naman ay napatingin kay Frank. Ang mga nakakakilala sa binata ay agad na natakot. Ang lalaki naman ay ngumisi lang ito. Dahil narin sa tama ng alak ay wala narin ito sa tamang katinuan ang pag-iisip.

"W-woaahh! Natakot naman ako sa'yo pare." Anito. Wala namang sali-salita ng tumama sa mukha nito ang kamao ni Frank.

"You don't know me asshole. So don't ever try to dare me. Because I swear bukas na bukas ay paglalamayan ka." Sabay tadyak niya dito.

Dahil sa kilala ang binata nang manager ng naturang bar ay hindi ito nakaimik. Agad na hinila ni Frank ang kamay ni Erica na nagulat dahil sa nangyari. Inakay niya ito palabas ng naturang bar. Habang hawak-hawak ng binata ang kamay ni Erica ay ramdam nito ang panginginig ng dalaga at panglalamig ng kamay nito.

Agad binuksan ni Frank ang kanyang kotse ng marating nila ito. Parang wala sa sarili si Erica na sumunod ng pagbuksan siya ni Frank ng pinto. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Pagka-upo niya ay doon niya pinakawalan ang impit niyang iyak. Nakaramdam ng habag si Frank ng makita nito si Erica na umiiyak. Hindi nito alam kung paano aluhin ang dalaga.

"Hush! Enough. Stop crying." Ani Frank na nakamata sa umiiyak na si Erica.

"Bakit ba ganun ang tao, porket mahirap kami ay dali-dali lang kung bastosin ng mga mayayaman. Hindi ba nila naisip na kailangan naming mga mahihirap ng trabaho para makaahon sa hirap." Himutok ni Erica habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha.

Napabuntong hininga na lang si Frank sabay start nito ng kotse. Lumipas ang ilang minuto ay hindi na naririnig ng binata ang pag-iyak ni Erica. Kaya agad itong binalingan ng binata. Napailing ito ng makitang payapa na itong natutulog.

Dahil sa pagud ni Erica sa maghapong trabaho at dahil sa pag-iyak niya ay agad siyang hinila ng antok. At dahil hindi alam ni Frank kung saan ihahatid ang dalaga ay ipinasya na lang nitong isama ito sa bahay niya.

Gabing-gabi na ng marating nila ang bahay ng binata at tulog parin si Erica. Maingat na binuhat ni Frank ang dalaga at ipinasok ito sa loob ng bahay niya. Dinala niya ito kung saan ang guest room at dahan-dahan niya itong inilapag sa kama. Inalis na rin ng binata ang suot ni Erica na sandal bago niya ito kinumutan.

Tanging lamp shade lang ang nakabukas sa loob ng kwarto bago ito iwan ni Frank. Agad itong nagtungo sa kusina at inihanda ang mga pagkaing ipinabili niya sa labas kanina sa mga taohan niya.

Naalimpungatan naman si Erica ng makaramdam siya ng ginaw. At doon niya napagtantong nasa isang kwarto pala siya. Kaya agad siyang napabalikwas ng bangon. Agad nitong tiningnan ang suot na damit ngunit ganun parin ito, walang pagbabago saka siya nakahinga ng maluwag.

Magtatangka na sana itong bumangon ng bumukas ang pinto. "Hi. Mabuti at gising kana." Malamyos na anang lalaking pumasok sa loob ng silid.

Hindi akalain ni Erica na isang gaya ni Frank pala ang sinamahan niya. Dahil sa sama ng loob ay hindi na niyw ito napagtuonan ng pansin kung sino ang kasama niya ni titigan man lang kanina ang mukha ay hindi na niya nagawa pa.

"F-frank."

Mahina nitong sambit sa pangalan ng binata na sapat na para umabot sa pandinig ni Frank. Hindi maipaliwanag ni Frank kung bakit parang hinaplos ang puso niya ng bigkasin ng dalaga ang pangalan niya.

"Come on, get up ng makakain ka. Baka malipasan ka ng gutom. Dinner is ready." Aya ni Frank sa kanya.

"H-huh!" Nagulat bahagya sa tinuran ni Frank. "Pasensya kana, baka nakakaabala na ako sayo." Nahihiyang ani Erica na kinangiti ng binata.

"Nope. It's my pleasure na pagsilbihan ang isang magandang kagaya mo." Hindi alam ni Frank kung bakit parang ang lambot ng puso niya sa pagkakataong nakamata siya sa dalaga.

Dahil sa tinuran ni Frank ay biglang pinalmuhan ng mukha ang dalaga, kaya agad itong napayuko. Napangiti naman si Frank ng makita ang inasal ni Erica.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Pagbasag ni Frank sa namumuong katahimikan sa pagitan nila ng dalaga.

"E-erica." Tipid nitong sagot sa binata. "Hmmp....sounds good. Erica." Ani Frank. Nang pumunta sila sa hapagkainan ay tahimik lang si Erica. At ng ipinaghila siya ni Frank ng upuan maingat naman siyang naupo sa upoan.

Tahimik na kumakain ang dalawa hanggang natapos sila. Nagpresinta si Erica na siya na ang magliligpit ng pinagkainan nila, ngunit tumanggi ang binata. Pinaupo lang nito si Erica sa sala at siya ang nagligpit ng pinagkainan nilang dalawa.

Nang matapos si Frank sa ginagawa ay agad itong sumunod kay Erica sa sala, kung saan ang dalaga nakaupo na panay lingon nito sa kusina kung saan si Frank.

"Hey!"

Agad na ani Frank. Nakangiti itong naupo sa couch. Nakasuot lang ito ng puting joging pants na pinaresan niya ng black sando. Kaya litaw ang magandang kurba ng katawan nito na kahit sinong babae ay maakit hawakan. Ginantihan lang ito ni Erica ng tipid na ngiti at muli niyang itinuon ang mga mata sa pinapanood na movie. Kahit hindi naman niya naiintindihan kung ano ang mga pinagsasabi ng mga characters.

Alam ni Frank at ramdam nito ang pagkailang ni Erica sa kanya kaya lihim siyang napapangiti.

"Matagal kana ba nagtratrabaho sa bar na yun?" Maya ay tanong ni Frank sa dalaga upang mabasag ang namumuong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Oo, magdadalawang taon na." Sagot nitong hindi makatingin sa binata. Hindi nito kayang labanan ang mga titig ni Frank. Dahil pakiramdam niya ay kayang basahin ng binata ang bawat iniisip niya.

"I see, nasaan pala ang mga magulang mo?" Muling tanong ni Frank dito. Bigla naman napangiti si Erica ng mapait. "Yan din ang tanong ko sa sarili ko e. Nasaan ba ang mga magulang ko? Matagal ng taon ang lumipas, ngunit hindi ko alam kung saan nga ba ako nagmula. Sino ang mga magulang ko o may magulang pa ba ako." Anitong ano mang oras ay maaring pumiyok ang kanyang boses dahil sa nagbabadyang mga luha.

"I'm sorry, hindi ko entensyong---."

Hindi na natapos ng sasabihin si Frank ng putulin ito ni Erica. "No, it's okay. Sanay na ako. Sanay na rin ako mabully dahil daw ipinanganak ako sa pinagbiyak na kawayan." Anito sabay tawa ng mapakla. Hindi naman maipaliwanag ni Frank kung ano ang mararamdaman dahil sa tinuran ni Erica.

Nahalata naman ni Erica ang naging reaction ni Frank. Kaya parang may sariling buhay ang kanyang mga kamay at bigla nitong kinuha ang throw pillow at ibinato niya kay Frank. "Hoy! Wag kang maawa sa'kin. Dahil kahit na hindi ko alam kung sino ang tunay kong mga magulang ay masaya parin ako. Dahil naranasan kong mabuhay sa mundong ito. Naranasan kong masaktan, makipagsapalaran. Mabuhay ng sarili kong pagsisikap. Kaya tanggap ko na kung ano ako. Dahil alam ko may higit pa sa'kin ang dinaranas, siguro nga sadyang mapaglaro lang ang tadhana sa'kin." Saad nito kay Frank. Napailing naman ang binata sabay ngiti nito. Hindi niya akalain ang panindigan ni Erica sa buhay. Alam niyang hindi lahat ng tao ay gaya ni Erica kung mag-isip. Siguro nga sadyang malawak lang ang pag-iisip nito.

TBC.

->Pasensya na po sa mga wrong typo and grammars. But I'm trying to fix it. Thank you and God Bless.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon