"Wait! Ano apelyido mo?" Tanong ni Joanalyn

"Ah...de Vera.." Sagot ko naman

"Ikaw nga!" Sabay sigaw ni Joanalyn

"Huy ano ba yang pinagsasabi mo girl?! Baka matakot si Franz satin!" Sabi ni Nicole

"Hindi girl! Kasi naman siya yung pinaguusapan dito sa school na mayaman na nagenroll no!"  

Shet! Kailangan isigaw???

Napatingin tuloy samin yung mga nasa hall! >.<

Buti nalang dumating na yung mga C.I. Kaya malaking buntong hininga ginawa ko... Hayyy salamat! Wew!!

Nagsimula na ang orientation kaya naman naging busy na kami sa pakikinig nakaupo ako sa tabi ni Nicole...e siya palang nakakausap ko e bakit ba! Hehe

SHANE POV

Hi! Ako pala si Shane...Shane Termulo 17 y/o 2nd yr BSN dito sa Woodrow..pinapaaral ako ng tito ko na nasa amerika pero kung di dahil sa kanya nganga lang ako ngayon..

Di kasi kaya ng magulang ko na paaralin pa ako..maagang nagasawa ang magulang ko kaya di na sila nakapagaral..si tatay ang tanging bumubuhay samin part time lang ang pagiging construction worker niya kaya tiis tiis lang din kami may 2 pa kong kapatid si Sherry at si Fina

First day ng school ngayon kaya maaga ako nagising 1 hour ang byahe ko papunta ng school..excited na nga ako kasi makikita ko na ang friendships ko no! ^__^

Pagdating sa school ay agad akong sinalubong nila Jeng (Joanalyn) at ni sheng (sherley) di sila mahilig sa nickname na may "eng" e no hehe

"Girl ang tagal mo naman!" Sabi ni jeng

"Sorry naman teh taga bundok e!!"

"Tara na bili! Malalate na tayo o!" Madali ni Jeng

Pagpasok namin sa hall ay marami na ngang tao buti nalang wala pang mga C.I. As usual... Bati dito bati doon..hanggang nakita namin si Nicole

"Girl!!!!" Sabay apir

"Kamusta na teh? Saan ka nagbakasyon??" Sabi ko

"Bahay lang no walang datung e! Hehehe teka nakita mo ba yun?" Sabay turo

"Asan? Andami kayang tao teh!"

"Ayun O! Teka tawagin ko magisa lang kasi e.." Umalis na si Nicole

At ayun nga tinawag ni Nicole yung kanina pa niya tinuturo..

Guys! May bago tayong friendship! Si Franz!!" Sabi ni Nicole

"Hi sa inyo! Franz pala" sabay kaway

"Yan si sherley si Joanalyn at si Shane!" Isa isa kaming tinuro

"Taga saan ka?" Tanung sakin ni sherley

"Taga dito lang sa malapit" pilosopo lang! tsss!

"Wait! Ano apelyido mo?" Tanong ni joanalyn

"Ah...de Vera.." Sagot niya

"Ikaw nga!" Sabay sigaw ni Joanalyn

"Huy ano ba yang pinagsasabi mo girl?! Baka matakot si Franz satin!" Sabi ni Nicole

Ang daldal nila diba?? Grabe lang haha...

So eto pala yung sinasabi nilang bagong student...infairness maputi siya a tas mamula mula pa yung pisngi...siguro di sanay to sa mainit..medyo chubby din pero ang cute niya a..amo ng mukha e...mahiyain lang!

"Girl! Okay ka lang ba??" Tanung ni sheng

"Ay Oo girl! Okay lang ako no!" back to reality ang peg hehe!

Hep! Mali yung iniisip niyo a! Natulaley lang naman ako kasi ngayon lang ako nakakita ng mayaman talaga in person face to face pa no kaya napahanga ako! Pero di ko trip yung iclose yung ganun na sexuality no! may phobia kaya ako sa mga tulad niya...

FRANZ POV

tapos ng orientation ay pinalabas na kami para hanapin ang una naming klase..nagpaalam na din ako kay nila Nicole..

"uy...Nicole?"

"Oh bakit girl?"

"Una na ko ha...hahanapin ko pa kasi yung classroom ko e..."

"Ano bang section mo?"

kinuha ko yung reg form ko para tignan..

"Section A"

"Section A? edi magkakklase tayo!" natutuwang sabi niya

"ganun ba...o sige sasabay nako sa inyo!" sweet smile pa o..hehe

kabisado na nila tong campus dahil dto na sila nag first year ay sila narin nagturo sakin kung ano ang mga pangalan ng mga building dito...

papunta kami sa main building MB kung tawagin nila dun kasi ang room namin para sa Lecture..

pagpasok sa loob ng room ay isa itong lab..umupo ako sa malapit sa harapan..nilingon ako ng nasa harap ko..

"hello bago karin ba?" tanongniya

'

"Ah Oo..Franz nga pala...ikaw?"

"ako si Benedict..Ben nalang" sabi niya

"Ben?"

"nagulat ka no?  gusto kasi ng parents ko na panglalaking pangalan ibigay samin ng mga kapatid ko para unique.." ahhh ganun pala yun? hehe

"Ah ok! cute naman!"ako na namangha haha

nagpakilala din sakin yung nasa likod ko siya si Ronibelle...bakit puro paboy mga pangalan ng mga kaklase ko?? hahaha

naputol lang ang kwentuhan namin dahil dumating na yungmagiging adviser ng klase

"Goodmorning class! Section A right?" tanung niya

"Yes...sir..." alam mo yun parang mga kinder lang sumagot

"A ok..so Let's start!"

excited yung mga kaklase ko parang mga ewan lang >.<

"Ok..before anything else...I would like you to introduce your self first! alright?"

"sir wag na po jahe kaya!" sabi nung isa kong classmate

"oh sige para fair ako muna magpapakilala....(EHEM) I'm Ryan Del Rosario RN,Man I will be your Clinical Instructor at the same time Adviser dito sa nursing 100"

palakpakan mga classmate ko ^___^

"Ok na? simulan natin dito sa.....Gitna Miss? kindly introduce and tell something about your self"

Shet!!! kami yung nasa gitna!!! mauuna na si Ben!!!

"I'm Benedict Tolentino 18 y/o I'm a transferee from St. Andrews College...please be nice to me...."

"bakit ka nagtransfer?" tanung ni sir

"mahirap po kasi sumakay doon pag gabi po sir"

"A Ok! may take your seat...next!" deymm! ako na yun!

hinga malalim!! hooh! >.<

"Hi! I'm France Emeriee de Vera 19y/o from manila also I'm a transferee I came from Campbell University..."

"ok...so ikaw pala si Ms. de Vera....are you the daughter of Engr. Neilsen de Vera?"sabi ni sir

"yes sir..."

"Oh class! please be nice to her ha?!" wide smile pa si sir e ^_____^

Ughhh!!!! >.< bakit kailangan pa ni sir na be nice to me?!!!! nako naman oh!! *face palm -.-)

porke naginvest si dad dito kailangan sabihin yon??? Oo tama kayo lumipat kami dito sa rizal para magtayo ng negosyo..naisip niya na maginvest sa shool na ito para maimprove yung mga facilities nila..dito din kasi nagaaral ang dalawa kong kapatid si Francine Emmanulle at si Francescka Emereech..oh parang parepareho lang e! yan trip ni dad! haha

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Место, где живут истории. Откройте их для себя