Ch 3: Busy (Edited 03/15/16)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Liza! Liza! May I have all the list?" sabi ko sa isa sa mga nag-a assist.

"Miss Kelly! Hala! Kanina pa po kayo inaantay ni Mr. President!" sabi niya sabay tayo.

"Pupuntahan ko na sya. Yung ibang clubs na inaasikaso ko, okay na ba lahat?" tanong ko.

"Hindi pa po eh. May dumadagdag pa rin." Sabi niya.

"O sige. Babalik ako. Pupunta lang ako ng room." Sabi ko at ibinigay sa kanya yung hawak kong bond papers.

Lumabas na ako at bumalik sa room.

"Ayen, mauna na kayo. May trabaho pa ako sa SC eh." Sabi ko habang inaayos yung gamit ko.

"Okay. Call me pag nakauwi ka na." Sabi niya.

"Yes, Ma'am!" natatawa kong sabi.

"Whatever."

"Ingat pag uwi." Sabi ko.

Bumalik na ako sa SC's Office at sa tingin ko'y nadagdagan pa yung mga nakapila.

Tulad kanina. Nagsusumiksik na naman ako para makapunta sa unahan. Sakit talaga ipagsiksikan yung sarili mo lalo na kapag ayaw nila sayo.

TT-TT

Shete! Nakakapanghugot yung siksikan dito ah!

"Miss, bawal singit." Sabi ng isang lalaki.

Deja vu? Kanina pa yun ah.

"Hindi ako sisingit. At saka hindi ako ganun." Naiinis kong sabi.

"Waah! Miss Kelly, kanina pa kayo hinahanap ni Mr. President. Galit na galit na po sya!" sabi ni Liza at hinawakan ako sa braso.

"Teka lang, Miss. Di pa kami tapos mag usap." Sabi nung lalaki. At bumaling naman sa akin pagtapos. "At ikaw, pumila ka dun sa likod kung kukuha ka din ng form." Utos ng lalaki sa akin.

Makautos wagas ah!

Nanlaki ang mga mata ni Liza habang nakatingin sa lalaki. Nagulat siguro. Well, wala pa kasing nakakapag utos sa akin ng ganu bukod sa mga teachers at kaibigan ko. Maski yung president ng SC, hindi pa ako nauutusan ng ganun.

"If I were you, Mister. Hindi ako makikipag usap sa kanya in that way." Sabi ni Liza.

"It's okay, Liza. Halika na. Baka galit na galit na si Angelo." Sabi ko.

"Bakit!? Sino ba sya para galangin ko?" sambit nung lalaki.

Nakng! Hindi ba sila titigil?

"STOP IT, YOU TWO! This office is not a battle room. Kung gusto niyong magtalo, dun kayo sa labas!" sigaw ko.

Nanahimik naman sila pati yung ibang estudyante.

Shouting is the best way to shut people. And it works everytime.

"Anong kaguluhan yan!?" sigaw ni Hannah, SC's Auditor. "Miss Kelly! Nandito ka lang pala!" sabi niya at hinila ako sa isa pang office.

It's an office for higher position in Student Council.

"Kelly... where have you been?" tanong ni Angelo.

"Nandyan lang sa labas. Nag aawat ng nag aaway." Sabi ko.

"That's not a part of your work, Kelly. May mga staff pa dyan sa labas. Hayaan mo na sila ang mag asikaso doon. And btw, here are the form of the clubs na hawak mo. Nandyan na din yung sa Archery." Sabi niya. "And btw, where's Ayen?"

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon