Chapter 31: Eat Well.

371 17 1
                                    

Chapter 31



Mabilis akong nag-ayos para makaalis na kami ni Hunter. Kelangan ko nang makabalik agad dahil sisimulan ko na ang plano ko. Alam kong mali na naman itong gagawin ko. Gusto ko lang subukan, kahit na alam kong ako na naman ang masasaktan sa huli, atleast sinubukan ko.

Gusto kong malaman niya lang ang side ko. Dadahan-dahin ko lang. Kapag nalaman niya iyon, at ayaw niya pa rin akong patawarin, hindi ko na ipipilit ang sarili ko. Kahit mahal ko siya ay gusto ko pa ring maging masaya siya.

Bahala na kung anong mangyari. Basta ang gusto ko lang ngayon ay mapalapit ulit sa kanya.


Napapikit ako. Sigurado na ko sa naiisip ko pero kapag naalala kong may girlfriend siya ay nanghihina ako.


Agad akong lumabas ng bahay buhat pa rin ang dog carrier. Nakadungaw doon ang ulo ni Hunter. Pumasok agad ako sa sasakyan ko na nilabas ko na kanina sa garage.

Nang makarating kami ay inasikaso agad si Hunter. May appointment din kasi ako ngayon. Nagtitingin din ako sa Pet Supplies katabi ng Pet Grooming. Bumili ako ng automatic feeder niya, dog food and treats.

Nilagay ko iyon sa trunk ng sasakyan. Iiwan ko muna si Hunter dahil kapag pinanood ko iyon habang pinaliliguan ay magwawala lang iyon.

Nagdrive muna ako papunta sa Magallanes Square. Bumili ako ng pizza sa Yellow Cab. Ito nalang ang lunch ko. Mamayang gabi ay magluluto ako ng abodo. It's Ethan's favorite.

Pagbalik ko sa Pet Grooming ay patapos na si Hunter. Naglikot na agad ito nang makita ako. Kinuha ko na si Hunter at bago nagbayad sa counter. Nagpaalam agad ako. 3:00PM na. I told Nate na makakauwi kami ng three.


Nagdrive ako papunta sa Greenland. Nang makita ni Nate ang sasakyan ko ay nagtatalon siya. Nagtatakbo agad siya palapit sa'kin nang makapagpark ako.


"Hi, Nate!"

"Hi, Tita Dana. Aalis po kami nina Mommy!"

"Saan kayo pupunta?"

"Mall po!"


Napangiti ako. Lumapit lang pala siya sa'kin para magpaalam. Kumaway ako sa kanya nang tawagin na siya ng Mommy niya. Babalikan ko na sana si Hunter nang bigla itong tumalon sa nakabukas na pinto sa driver seat. Mabilis itong pumasok sa gate ng bahay ni Ethan. Nanlaki ang mga mata ko. Not again, Hunter!

Tumakbo rin ako papunta doon. Nakita kong prenteng nakahiga sa damuhan si Hisoka, ang aso ni Ethan, habang nakamulat at diretso ang tingin kay Hunter. What the?


"Hunter!"


Hindi nakinig ang magaling kong aso. Lumapit pa ito kay Hisoka bago sumampa dito at humiga. Err? Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanila. Wala naman si Ethan kaya hindi niya mauutusan ang aso niya na kagatin ako.

Napatingin agad sa'kin ang aso niya. Lumapit ako at hindi pinaramdam na natatakot ako. Hinawakan ko ang balahibo niya. Mabilis namang pinikit nito ang mga mata. Parehas na silang natutulog ng aso ko. Napangiti ako.


"Alagaan mo 'tong kapatid mo, Hisoka." Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang mapatawa. Ano kayang sasabihin ni Ethan kapag narinig niya iyon? Baka mapatay ako non!

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon