Chapter 24: Truth.

418 15 2
                                    


Chapter 24



Ilang buwan na ang nakalipas nang nagkasakit si Ethan. Lumipas na ang birthday niya at talagang sa bahay siya nag-celebrate. Hindi na ko nagtanong tungkol sa parents niya. Kung hindi niya gustong sabihin ay ayos lang. Wala akong karapatang panghimasukan iyon.

Madalas kapag ino-open ang topic na yon ay bigla niya kong tatanungin kung pwede ko ba siyang maging boyfriend. Dahil doon, tumataginting na "NO" ang sinasagot ko. Sisimangot nalang siya at magtatampo sa sulok.

"Alam mo bang forty-two times mo na kong binabasted. Hindi ka ba naaawa sa'kin?" Umirap ako kahit nasa phone lang siya. Hindi ko na rin hinayaang ipaliwanag ang pag-iwan niya sa'kin sa Golf Club dahil nasabi na rin ni Elma.

"Dahil halos linggo linggo ka nagtatanong."

"Ano bang gusto mo? Araw-araw?"

Hindi ko na siya sinagot. Binaba ko na ang phone ko. Tumawag ulit siya pero hindi ko sinagot. Bumaba ako ng kwarto at dumiretso sa kusina kung na'san si Mama. Naghahanda siya ng dinner namin.

"Sinigang, Ma?"

"Yes, baby."

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Umupo agad ako kahit hindi pa tapos lutuin ni Mama.

"Phone mo ba ang tumutunog, Dana?"

Ngumuso ako. "Yes, Ma. Si Ethan 'yon."

"Ethan?" Biglang tumingin sa'kin si Mama nang may ngiti sa labi. "I like him for you, Dana. Pero dapat ipakilala mo muna sa Papa mo. Lagi kasing nasasaktong wala ang Papa mo kapag nandito si Ethan. Natatakot ba siya?"

"Hindi ko alam, Ma."

"Hmm... I think seryoso siya sa'yo. Siya lang yata ang lalaking tumagal sa'yo ng seven months."

"Ma..."

"Nasabi mong alam niya ang tungkol kay Royce pero nandyan pa rin siya sa tabi mo. He's something. Nabanggit ko na sa Papa mo ang tungkol kay Ethan. Mukha namang okay lang sa kanya pero dapat ipakilala mo pa rin, okay?"

"Okay..."

Hindi ko akalain na tatagal nga ng seven months si Ethan. I mean, with his looks, siguradong hindi ito makukuntento sa isa. Pero napansin kong palaging nasa akin ang atensyon niya. Kapag niyayaya niya kong mag-mall or pumunta sa park, kahit may nakakasalubong kaming maganda at sexy'ng babae ay sa akin pa rin siya nakatingin.

Hindi ko alam kung ano pang kinakatakutan ko. Hindi ko alam kung bakit pinapatagal ko pa ganong gusto ko rin naman siya. Yes. Parang ngayon palang ay aaminin ko sa sarili kong gusto ko nga si Ethan.

"Bumili na ang Kuya mo ng bahay sa kabilang subdivision. Nabanggit niya sa'king gusto mo rin bumili?"

Natigil ako sa pagmumuni nang ihain sa'kin ni Mama ang niluto niyang sinigang. Nagsalin agad ako sa bowl.

"Yes, Ma." Sagot ko sabay higop sa sabaw. Ang sarap!

"Bakit hindi nalang kayo mag-isa? Wag mong sabihing gusto nang mag-asawa ng Kuya mo?"

"Hindi naman, Ma. Gusto lang talaga naming bumili ng bahay. At isa pa, Ma, kung magkasama kami sa iisang bahay ay magpapatayan lang kami."

"Bakit ba gusto niyo nang bumukod sa'min ng Papa niyo?" Parang nagtatampong sabi ni Mama. Umiling agad ako.

"Ma, hindi pa naman sa ngayon eh. Let's say after three years, mag-iipon muna ako. At alam niyo namang may gustong patunayan si Kuya kay Papa kaya ganun..."

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon