Chapter 20: I love her.

435 15 3
                                    


Chapter 20



Hindi nawawala ang ngiti niya kahit nakain kami. Pasimple siyang tumitingin sa'kin pero ako ay hindi man lang tumitingin sa kanya.


"Gusto mo mag-golf?" Tanong niya pagkatapos naming kumain. Umiling ako bilang sagot.

"Gusto ko mag-swim."

"Later, Dana. Masyado pang mainit."

"Hmm..." Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kanya, nangingiti. "What happened to your Ms. Dana?"

"You like that, huh?" Sumandal din siya sa upuan at tumingin ng diresto sa'kin. Damn, crush na crush ko talaga ang mga mata niya.

"Hindi ah." Tanggi ko agad. Lalong lumaki ang ngiti niya. "What?" Binato ko siya ng tissue na kanina ko pa hawak.


Umiling iling lang siya habang umiiwas ng tingin. Binato ko ulit siya ng isa pa bago tumayo at pumunta sa veranda. Umupo ako sofa para tanaw ang swimming pool. Sumunod naman siya sa'kin.


"Nagseselos na ko sa swimming pool na yan ha? Ngayon mo lang nakita, ayaw mo nang hiwalayan ng tingin." Umupo siya sa tabi ko. "Ipagiba ko kaya 'yan?"

"Oa mo naman." Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang buhok ko at ilagay iyon sa likod ng tenga ko. "Anyway... saan ka natulog kagabi?"

"Sa tabi mo." Walanghiyang sabi niya bago tumingin din sa pool.

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Kama ko naman 'yon ah?"

"Oh my! Ethan!" Kinurot ko ang braso niya.

"Ouch, joke lang." Sumimangot siya bago hinawakan ang kinurot kong braso niya. "Kung makareact ka naman parang nakapalaki kong germs."

"Sana sa sofa mo nalang ako pinatulog kung gusto mong sa kama mahiga."

"Hindi tayo kasya sa sofa ko." Tumingin siya sa'king parang nagmamakaawang bata. "Gusto ko sa tabi mo."


Maya-maya ay naramdaman kong pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Pinalipot niya naman ang isang kamay niya sa bewang ko. Nanigas ako sa pwesto ko. Naramandaman niya siguro yun kaya napatawa siya ng mahina.


"Thank you for this chance."

"Pwede ka naman mag-thank you nang hindi nangyayakap h-ha?"

"Pwede rin naman akong mag-thank you nang nakayap, just like now."


Umayos siya ng pagkakasandal bago siya na mismo ang nagpatong ng ulo ko sa balikat niya. Dahil doon ay tuluyan na niya kong nayakap gamit ang dalawa niyang kamay. Napahinga nalang ako ng malalim. Damn his smell, so addicting.


"Tell me things I don't know about you." Maya-maya ay sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Baliw ka ba? Pa'no ko malalaman ang mga di mo pa alam tungkol sa'kin?"

"Then, just tell me everything about you."

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon