Chapter 12: Too.

415 15 2
                                    

Chapter 12



Nakatulala lang ako sa loob ng sasakyan ko. Nasa tapat na ko ng bahay namin pero hindi pa rin ako bumababa. Huminga ako ng malalim bago chineck ang sarili ko sa salamin. Maga pa rin ang mata ko pero mas okay na compare sa kanina.

Bumaba ako ng sasakyan bago dumiretso sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama na nag-aayos ng dinner.


"Hi, Ma. Missed you." Lumapit ako sa kanya bago niyakap sa likod.

"Aww, missed you, baby girl." Humarap siya sa'kin. Humalik ako sa cheeks niya.

"Fiesta, Ma? Bakit ang daming pagkain?"

"Kasi na-miss ka ni Mama." Nang mapatingin ako sa kanya ay kumunot agad ang noo niya. "Umiyak ka ba, Dana?"


Umiling ako pero bago pa ko makalayo ay hinawakan na niya ang pisngi ko. Tinitigan ako ni Mama. Hindi na ko nakakibo.


"Tell me everything, baby. C'mon."

Hinila ako ni Mama para makaupo sa dining table. Tinabihan niya ko. Nakatitig lang ako sa mga pagkaing hinanda ni Mama habang nagsasalita.


"I saw Hailey..."

"Inaway ka ba niya?" Umiling ako bilang sagot kay Mama.

"Alam niyo namang never akong nagawang awayin ni Hailey. Ako lang... ako lang naman ang sumisira sa kanya eh." Ngumiti ako sa kawalan. "Na kahit marami akong kasalanan sa kanya ay nagawa pa rin niya kong yakapin ng mahigpit. Ma, sobrang nasaktan ko si Hailey. Napakawalang kwenta ko."

"Don't say that, honey..." Ngumiti si Mama sa'kin kahit alam kong nasasaktan din siya para sa'kin. "You're the sweetest girl I know, Dana. Don't ever say that. Nasasaktan din si Mama. Nagmahal ka lang kaya mo nagawa 'yon. Nang muntik na kaming maghiwalay ng Papa mo, sobrang nasaktan din ako kaya halos makagawa na rin ako ng masama."


Napatingin ako sa kanya. Pilit siyang ngumiti kahit nakikita ko sa mga mata niyang naiiyak na siya.


"May kasalanan din akong nagawa kay Hailey. We'll make things right. Hihingi ako ng sorry at iyon din ang gagawin mo. Maiintindihan ko kung hindi niya ko mapatawad. Alam ko nang umpisa palang mali na lahat... pero dahil mahal kita, pinili ko pa rin kung anong makapagpapasaya sa'yo. I'm sorry dahil kung una palang pinigilan na kita, siguro hindi kayo masisira ni Hailey."

"I'm sorry din, Ma."

"I love you, honey."

"I love you too, Mama." Niyakap ko siya ng mahigpit. Gumaan kahit papa'no ang pakiramdam ko. Si Mama lang talaga ang matatakbuhan ko sa ganitong oras.

"Oh?! Anong meron? Group hug with my lovely girls!" Nagulat ako nang marinig ang boses ng kapatid ko lalo na nang sabay niya kaming yakapin ni Mama. "Fiesta ba?"

Nanlalaki ang mata ko nang tignan ko siya. "What are you doing here, Kuya Dino?!"

"Mama called me. Miss niya na daw ako." Nanliliit ang mata ko nang tumingin ako kay Mama.

"Don't give me that look, Dana. Namiss ko lang kayo."


Panay ang kwento ni Mama habang hinihintay namin si Papa. Binabatukan ko nalang si Kuya kapag binabara niya si Mama. Ang kulit!

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon