Chapter 26: I did not.

365 17 0
                                    

SORRY FOR TYPO! PATI SA PREVIOUS CHAPS NA INUPDATE KO. :)



Chapter 26



"Dana Antonia! Ethan's here!"

Napapikit ako sa sakit nang mahulog ang phone sa mukha ko. Nasa kwarto ako at nagpapahinga sa kama ko nang biglang sumigaw si Mama sa labas ng kwarto ko. Dahil sa taranta ko ay nahulog tuloy ang phone na ginagamit ko. Masakit!

"Dana!" Kinatok ulit ako ni Mama. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga habang hawak pa rin ang pisngi ko. Humarap ako sa salamin. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Kahit nakapag-shower na ko at nakapagbihis ay pakiramdam ko hindi sapat. Naglagay ako ng powder at lip gloss.

"Opo, Ma!" Sinilip ko ulit ang mukha ko sa salamin bago lumabas ng kwarto. Nakita kong nakaupo nga si Ethan sa sofa namin. May dala dala siyang bouquet ng roses. Ngumiti siya nang makita ako. Dali-dali akong bumaba ng hagdan.

"What are you doing here?"

"You did not text."

"I was about to..." Namula ang pisngi ko nang maalala ko ang sinabi niya kanina. "...text you. Tapos nandito ka pala."

"Magpapaalam din ako kay Mama."

"Maka-Mama ka dyan!" Lumapit ako sa kanya at kinurot ang tagiliran niya. Tumayo siya at inabot sa'kin ang roses. "Thanks. Bakit ka magpapaalam? Aalis ka na?"

"Cute but no. Kararating ko lang." Pinisil niya ang pisngi ko. Napasimangot ako. "Magpapaalam ako para sa date natin sa birthday mo."

"Hmm..." Tumango ako. "Si Mama ba nagsabi na birthday ko sa Saturday?"

Ngumiti lang siya sa tanong ko. Lalo tuloy ako napasimangot. Iyon ang naabutan ni Mama na galing pala sa kusina namin. Tumaas tuloy ang kilay niya sa'kin.

"Ahm, Tita, nandito po ako para magpaalam." Ngumiti si Mama kay Ethan. Pag sa lalaking to, kabait. Tss. "May date po sana kami sa birthday niya. Okay lang po ba sa inyo?"

"Of course! Ipagpaalam mo rin sa Papa niya. Pauwi na rin yon. Dito ka na maghapunan."

"S-Sige po. Salamat po."

Tinulungan ko si Mama sa pag-aayos ng dinner namin. Inayos ko rin ang roses sa vase. Gusto rin tumulong ni Ethan pero hindi siya pinayagan ni Mama. Pinaupo niya lang ito sa sofa.

Hindi naman nagtagal ay dumating din si Papa. Paglabas ko ng kusina ay nakita kong nakatayo na si Ethan habang nakatingin sa kapapasok lang na si Papa.

"Hi, Pa!" Humalik ako sa pisngi niya. Ngumiti siya sa'kin. Agad namang nabura iyon nang makita si Ethan. "Ah, Pa, si Ethan nga pala."

Mabilis naman lumapit si Ethan at nilahad ang kamay niya kay Papa. "Magandang gabi po, Sir. Ethan Alvarez po."

Kitang kita ko ang pamumutla ni Ethan lalo na ng hindi tanggapin ang kamay niya. Oh dear!

"Manliligaw po ni Dana." Patuloy niya.

Tumango lang si Papa bago tumingin sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. Hindi kasi siya sanay na may pinapakilala akong lalaki sa kanya.

"Dito ka na maghapunan." Iyon lang ang sinabi ni Papa bago umakyat sa kwarto nila. Sumunod naman si Mama sa kanya.

"Geez." Naramdaman ko ang pagdantay ng noo niya sa balikat ko. Dahil nasa likod ko siya ay hindi ko makita kung anong ginagawa niya doon. "Second time I felt nervous, baby."

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon