Chapter 21: Love you, baby.

450 13 1
                                    


Chapter 21



And I've got all that I need, right here in the passenger seat. Oh and I can't keep my eyes on the road, knowing that she's inches from me.


Pinilig ko ang ulo ko nang maalala na naman 'yon. Katatapos lang namin kumain ulit ni Ethan. Ngayon ay nagliligpit naman siya ng pinagkainan naming dalawa.

Sumilip siya sa'kin nang matapos siya sa ginagawa. Nandito kasi ako ngayon sa living room. Manonood sana ako pero mas naging busy ako sa pag-iisip ng nangyari kanina.

Kinuha niya ang phone niyang nakapatong sa cabinet tapos ay tsaka tumabi sa'kin. Sumandal siya bago nilikot ang phone niya. Sumandal din ako para makita kung anong ginagawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang facebook ko pala ang pinapakialaman niya.


"Are you stalking me?" Mabilis kong inagaw ang phone niya.

"No." Mabilis na tanggi niya. Tinignan ko siya ng masama. "I saw you posting photo of us, I'm just checking. Di ko makita eh."

"Sa IG ko kasi pinost." Mabilis kong kinuha ang phone at nilikot ang instagram niya. Nakita kong meron siyang account pero hindi niya naman ginagalaw. Wala siyang pina-follow pero ang dami niyang followers! Take note, wala siya ni isang post pa.


Sinearch ko agad ang account ko.


@danantonia


Ni-click ko agad ang follow bago kinuha ang phone ko para ma-approve ang request niya.


"Aamagin naman ang ig mo, magpost ka ng pics." Sabi ko sa kanya habang inaaccept ang request niya. Nakisilip naman siya sa ginagawa ko.

"Uhh, okay."


Kinuha niya ang phone ko bago pinakialaman ang IG ko. Yung facebook naman niya ang tinignan ko. In-add ko ang account ko gamit ang account niya para hindi siya mahirapan mag-stalk. Maya-maya ay may nag-accept ng request. Nang mapatingin ako ay sa kanya ay ngumiti lang siya. Of course, lalabas yon sa notif ko.


"Who the hell is greattMico?"

"Ha?"

"Palagi siyang nagco-comment sa posts mo. Look at this," sabi niya pero hindi naman niya pinakita sa'kin ang phone ko. "Very sexy, pretty." Nagulat ako nang kumunot na ang noo niya. "I want to be your boyfriend, can I have your number?"


Nang silipin ko ay nakita kong picture ko 'yon habang naiipit sa traffic. Syempre kelangan pampalipas oras kaya nag-selfie ako.


"Matagal na 'yan, ano ka ba?"

"Tss. Wala akong pakialam kung fetus ka pa niyan, di niya ba alam na ako ang boyfriend mo?" Sabi niya sa'kin kahit nasa phone ko ang atensyon. "Bakit ba kasi kailangan mong maging maganda? Ang dami tuloy nagkakagusto sa'yo." Bulong niya naman. Napailing nalang ako at tinitigan siya habang kunot na kunot ang noo sa pagtingin ng mga pictures ko.

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon