**WAKAS**

35.3K 671 121
                                    

Nagpapasalamat na naman po ulit ako sa mga sumubaybay sa kwentong 'to at sa mga matyagang naghihintay ng update. Series #3 na po tayo, tara at alamin naman natin ang kwento ng isa pang HBB sa Ten Things To Get Me, kilalanin din natin ang mga Elizconde sa If I Can: Hide This Feeling.

#SanaAkoNamanEnding

----------------

**WAKAS**

Two years na ang nakakalipas ng maghiwalay kami ni Humpy. Sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa ibat-ibang bagay, bukod sa pagtatrabaho. Mahilig narin kaming magpunta ni Katrina sa kung anu-anong event na nagaganap dito sa batangas, mga fun run, battles of the band at kung anu-ano pa. Every weekend ay nag ja-jogging din kami o kaya ay pumupunta sa gym. Bukod sa nagtatrabaho parin ako bilang waitress, nagbebenta rin ako ng leche flan dahil maraming nag-rerequest. Malakas ang benta ko kaya nakakaipon narin ako ng malaki-laki.

Masaya ang buhay dito. Sa loob ng dalawang taon, buwan-buwan ay umuuwi ako sa maynila para dalawin si mama sa kulungan, next year nga ay makakalabas na siya, pumapasyal din ako kanila Nichole at uuwi agad dito sa batangas, hindi ako nagtatagal sa maynila dahil ayokong makita si Humpy baka kasi pagnakita ko siya, hindi ko na siya pakawalan.

Oo masaya ang buhay, pero iba parin kapag kasama ko si Humpy. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa, di tulad ngayon na sabihin ko mang masaya ako pakiramdam ko may kulang parin at siya yon.

"Felise, may sky lantern festival na magaganap sa calatagan. Diba gusto mo'yon? Ano sama tayo?" Tanong sa'kin ni Katrina.

Sky lantern? Sa Calatagan?

Matagal ko ng gustong masubukang magpalipad ng sky lantern.

"Sige!"

Nagtungo nga kami ni Katrina roon dalawang araw matapos niyang sabihin sa'kin ang tungkol sa festival.

Nagmembership registration muna kami bago kami binigyan ng sky lantern na sisindihan namin mamaya pag signal nila.

Gabi na at maraming tao ngayon dito. Karamihan ay mga estudyante, magbabarkada at may mga nakikita rin akong magkasintahan.

Nagsimula na naming sindihan ang kanya-kanya naming sky lantern. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para tignan ang ginagawa ng iba. Nagsisimula narin ang countdown.

Hanggang sa may isang nakatawag ng atensyon ko na nakatalikod at naglalakad palayo sa akin.

"Humpy?" I know it's Humpy. Siya lang ang nakilala kong may balat sa batok at nakikita ko yon ngayon sa lalaking nakatalikod at naglalakad palayo sa akin. Kahit nakatalikod siya alam kong siya yon.

Gusto ko siyang tawagin, gusto ko siyang sundan, pero mas pinili kong manatili sa kinaroroonan ko.

Maybe this is not the right time, kasi kung eto yun. Hindi sana siya naglalakad palayo sa'kin.

Lumipas pa ang mga buwan at dumating ang pasko. Pag-uwi namin galing sa simbahan ay sinalubong ako ni madam Carolina at para siyang kinikiliti habang inaabot sa akin ang isang paperbag.

"Regalo niyo po sa'kin 'to, madam?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi. Regalo yan sayo ng isa sa pinakagwapong lalaki na nakilala ko," itinuro niya si Katrina. "Nakilala niya." Kasunod ng pagtaas niya ng dalawa niyang kamay na animo nanghihingi siya ng himala. "Nating lahat..."

Napakunot ang noo ko at agad na pumasok sa isip ko si Humpy.

"Galing 'to kay....Humpy?"

Tumango ko si madam. Ako naman ay hindi halos makapaniwala.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon