7 Kabanata

17K 346 41
                                    

7 Kabanata
Surprise

---------

Pagdating ni Nichole sa apartment namin ay agad na nagpaalam sa akin si Humpy na uuwi na siya. Nagpasalamat naman ako sa kanya, though hindi naman niya naman pala dapat, pilit ko pa nga siyang nginitian, kahit na sa totoo lang ay nalungkot talaga ako at dissapointed dahil sa sinabi niya kanina, na hindi porket inaalagaan niya ako ay nag-aalala na siya sa akin, ginagawa niya lang pala yon dahil nagi-guilty siya.

Pero bakit habang inaalagaan niya ako kanina, nararamdaman ko yung sincerity niya? Yung talagang nag-aalala siya sa akin. Bakit ang hirap unawain ni Humpy? Daig niya pa ako. Ang hirap niyang espelengin.

Kinabukasan ay maayos na ulit ang pakiramdam ko. Tinawagan pa nga ako ni Humpy kung papasok ako, at oo ang sinagot ko. Ayaw pa nga sana akong papasukin ni Nichole dahil baka daw mabinat ako, pero nagpumilit parin ako.

Masipag naman talaga akong pumasok, nung mga panahong buhay pa ang papa ko. Pero nung nawala siya, tulad ni mama, parang nawala ako sa sarili ko. Natuto akong mag cutting class at uminom. Mabuti nalang at hindi ako natutong manigarilyo o mas malala pa, ang mag drugs. Kasi, naiwasan ko agad iyon ng dumating sa buhay namin si tito Esmael, he's a life saver. Sa pagdating niya, para akong nagising sa isang bangungot. Unang beses ko palang na makilala si tito Esmael ay napalagay na ang loob ko sa kanya.

Malaki ang respeto ko kay tito. Kaya sa mga huling taon ko sa highschool, ginawa ko talaga ang lahat para maka-graduate. Nagsipag akong pumasok at mag-aral, although kung minsan ay hindi ko matanggihan ang mga kaibigan kong nag-aayang mag bar hopping. Hindi ko sila talaga matanggihan pagdating sa gimik, lalo na't iyon ang tumutulong sa akin na panandaliang makalimutan ang problema ko kay mama, problema ko na kai ang panlalalaki niya na parati ko nalang pinagtatakpan.


"Felise, bakit pumasok ka pa?" Ani Calvin pagpasok ko ng classroom namin.

"What's wrong? Magaling na ako." Nginitian ko siya para i-assure siyang okay na talaga ako.

Hinipo naman niya ang noo ko.

"O, ano? Hindi na ako mainit diba? Kasi nga, magaling na ako."

"Dapat hindi ka parin pumasok kasi kagagaling mo lang."

"Calvin, may long quiz tayo ngayon sa dalawang subject. Kapag hindi ako nakapag take 'non, malaking bawas sa grade yon. Sayang naman."

"Basta, wag kang masyadong maligalig para hindi ka mabinat."

"Yes. Doc." Mapang-asar kong sabi sa kanya.

Sa vacant time namin, habang kumakain kami ng kanya-kanya naming sandwich habang nagku-kwentuhan, nabanggit naman ni Ivan kanila Axel at Dave si Humpy.

"Sinundo ka ni Humpy kahapon? So, totoo pala yung balita na may dini-date na estudyanteng taga rito si Humpy? So, dating na kayo?" Gulat at sunud-sunod na tanong ni Dave sa akin matapos niyang malaman kay Ivan na si Humpy ang sumundo sa akin, kahapon.

Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa tanong niya kung nag dating na ba kami ni Humpy, dahil masyadong complicated ang status namin.

"Ah. Oo, p-parang ganun na nga." Iyon nalang ang naisagot ko sa kanya, alanganin pa.

"Oh men!" Tinapik naman ni Axel ang balikat ni Calvin. "Wala na, Calvin. Mauunahan ka na ni Humberth Pier Alcantara." Tila nang-aasar nitong sabi.

"Shut up!" Sabay layo ni Calvin ng balikat niya kay Axel. Nagtawanan naman sina Ivan at Dave.

"Ayaw niyang i-admit na may gusto siya kay Felise, but look at his face, he look so fvcking jealous." Nakangising sabi ni Dave.

"Pwede ba, wag niyo nga akong pag tripan." Inis na sabi ni Calvin at saka siya yumuko. Nakita ko nga na namumula ang kanyang mukha.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon