37 Kabanata

16.2K 320 45
                                    

37 Kabanata
Hunting me

SPG.
----------

Pagbalik namin ni Harold sa kwarto namin ay pabagsak akong naupo sa isa sa dalawang puting single couch na naroon.

"Mamaya nalang sigurong gabi ako mag su-swimming." Sambit ko habang binubuksan ko ang TV at hindi lumilingon kay kay Harold.

"Nakarating ka na pala rito?" Tanong naman niya ng maupo siya sa isa pang single couch na katabi ng inuupuan ko.

Nilingon ko na siya at napalunok ako ng seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Matagal na'yon almost four years." Sabi ko sa kanya.

"Nung kasama mo yung ex-boyfriend mong pinsan nung surf instructor kanina?"

"Can we please stop talking about it?" Itinukod ko ang siko ko sa gilid ng couch at ipinatong ko sa palad ko ang ulo ko, 'tsaka ibinaling ko ang paningin ko sa TV.

"Bakit ayaw mong mag-reminisce?" Tila mapang-asar na tanong niya pa ni Harold. "Imagine, almost four years na since the first time you have been here. Marami bang nagbago?"

"Pwede ba, Harold. Stop it please."

"Alright. So, marunong ka na rin pala mag surf? Ang sabi mo hindi ka marunong?"

"Sinabi ko yon kasi ayokong mag-surf and I'm not that good on it. Sa tagal ko na ngang hindi nasubukan yon, baka hindi na ako marunong."

"Why you didn't tell me at first that you've been here before?"

Inalis ko ang ulo ko mula sa pagkakapatong sa palad ko at muling binaling ang tingin ko kay Harold.

"Kasi ayokong sirain kung ano man yung mga plano mo." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Harold, I want this three days vacation to be memorable, gusto kong punuin ang bawat segundo, minuto at oras na masaya tayong magkasama. Ayoko na dahil malalaman mong nakarating na ako dito noon, iisipin mo na hindi na ako masaya kasi wala ng thrill, kasi nakita ko na'to, naexperience ko na yung mga bagay na akala mo ikaw yung unang magpapaexperience sa akin dito."

"Oo, aaminin ko. Medyo na-dissapoint ako kasi nga akala ko talaga na-surprise kita-"

Nasurpresa mo naman talaga ako, Harold. Nasurpresa mo ako ng dalhin mo ako sa resort kung saan din ako dinala ni Humpy. I never expected na babalik ako dito ng hindi ko na siya kasama.

"Talaga bang ayaw mo munang mag swimming?" Pagpapalit ni Harold ng usapan namin. Mabuti naman at hindi na siya nagtanong ng kung anu-ano pa.

Tumango ako sa kanya at saka ako humilig sa balikat niya at ipinikit ang mga mata ko. "I love you, mahal."

"I love you too." Naramdaman ko ang masuyo niyang paghalik sa ulo ko.

Hapon na ng magising ako mula sa pagkakatulog ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakaupo kami sa couch ni Harold, pero paggising ko naman ay nasa kama na ako.

Bago kami magpasyang maligo sa dagat ay kumain muna kami ng ilan sa mga seafood specialties nila rito sa resort. Mabuti nalang at hindi ko na nakikita si Iver dahil siguradong masisira na naman ang mood ko.

Palubog na ang araw ng magpasya kaming lumusong ni Harold sa dagat.

"Come on, take that clothes off, mahal." Pang-aapura niya sa'kin habang nakalusong na sa tubig ang mga paa niya at nakangiti siya sa akin ng nakapamaywang.

Napakagat naman ako ng labi ko habang nakatingin ako sa kanya. Sa katawan niyang napakaganda. His body is breathtaking, tila isang masarap na pagkaing nakahain sa akin. Hinubad ko na ang denim shorts at t-shirt ko at saka iyon inilagay sa puting beach chair lounge at patakbong lumapit kay Harold.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon