4 Kabanata

19.6K 376 17
                                    

4 Kabanata
Yet

----------

"I really can't believe na older woman pala ang gusto niya. Hindi ko sineryoso yon nung sinabi yon sa'kin dati ni Daren, akala ko sinisiraan niya lang nun si Humpy para ma-divert ang atensyon ko sa kanya, pero totoo pala talagang gusto niya ang babaeng mas matanda sa kanya. Nakita ng dalawang mga mata ko kung gaano sila kasaya ng babaeng kasama niya kanina."

"Nabalitaan ko nga rin ang tungkol dyan. Si Humpy, siya yung pinaka mysterious sa kanila at pinaka weird sa pagpili ng mga babae. So, now that you know. Give up na ba, cous?"

"Of course not. Gigisingin ko siya, ipaparamdam ko sa kanya na hindi man ako old woman, masarap naman ako magmahal at handa akong busugin siya 'non."

Nginitian ako ni Nichole. "That's the spirit! Teka, bihis lang ako."

"Wait! Hindi ka ba sasama sa'kin bukas sa birthday ni Axel?"

"May pasok ako nun e. Ikaw nalang cous, have fun." At saka siya pumasok na sa kwarto niya.


Paglabas ko ng apartment namin ay manghang-mangha na nakatingin sa akin si Calvin na naka white plain shirt, blazer na itim, brown na trouser at black leather shoes. Naka brush up din ang buhok niya, bagay na bagay sa kanya ang outfit niya.

"Ang gwapo-gwapo naman natin ngayong gabi." Pamumuri ko sa kanya.

"And you look extremely sexy and beautiful tonight, Felise." Puri naman sa akin ni Calvin.

"Thank you."

Akala ko talaga hindi babagay sa akin itong black off the shoulder na lace trim bodycon dress. Iniregalo sa akin ni mama ito nung birthday ko na kasabay ng highschool graduation ko nung April seven.

Tinernuhan ko ng itim na black stiletto ang damit ko at hinayaang nakalugay ang buhok ko na ikinulot ko sa dulo. Light lang din ang nilagay kong make up, pero makapal ang dark red lipstick na suot ko.

"Let's go." Pang-aaya sa akin ni Calvin na pinagbuksan ako ng kanyang gray na sedan.

Sa ilang minuto naming byahe namin ni Calvin ay wala kaming ginawa kung di ang sumabay sa mga kantang tumutugtog sa radio ng sasakyan niya. Until we reach the New World Makati Hotel.

Pagdating namin sa venue ng birthday party ni Axel sa the ballroom. Nakita namin agad si Axel na sinasalubong ang mga papasok na guest tulad namin.

"Wow! You're so hot and absolutely gorgeous, Felise." Puri niya sa akin.

Nagyakap kaming dalawa at binati ko naman siya. Nag high-five naman at nag fist bump sila ni Calvin.

"Dumating na ba yung dalawa?" Tanong ni Calvin kay Axel na ang tinutukoy ay si Ivan at Dave.

"Oo, nandoon na sila sa unahan. Puntahan niyo nalang. Oh! Nandito na sila tito." Tinapik ni Axel ang balikat ni Calvin. "I gotto go." Paalam niya bago nito nilapitan ang mga dumating na bagong bisita. Nakita ko pa nga si Wein na kasama ang mga magulang niya at ang isang mas matangkad sa kanyang lalaki na kahawig niya, kuya niya siguro.

"Let's go, Felise nakita ko na sila." Hinawakan ni Calvin ang kamay ko at hinila niya ako papunta isa sa mga round table na nasa unahan at may banquet setup.

"Hey, Felise. Wow! You look amazing." Puri ni Dave. Ipinakilala niya pa nga sa akin ang maganda niyang kapatid na si Danica, ipinakilala rin sa akin ni Ivan ang girlfriend niyang si Hannah na dalawang taon naman ang tanda ko.

Habang tumatagal ay dumarami na ang bisita at ng mukhang dumating na ang lahat ay nagsimula na birthday party ni Axel.

Sa daming bisita ni Axel ay hindi na niya naalalang ipakilala sa amin ang babaeng kinahuhumalingan niya, na si Aika. Ang dami niya rin kasing ini-entertain na bisitang mga halatang galing talaga sa mga mayayamang pamilya. Nandito rin kaya ang ibang HBB, makikita ko kaya rito si Humpy? Pero tanging si Wein lang ang kanina pa nasasagap ng paningin ko, dahil nasa unahan siya kasama sa table ang pamilya niya at pamilya ni Axel.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon