47 Kabanata

17.7K 280 30
                                    

47 Kabanata
Friends

----------

Papalabas palang ako ng makati city jail ay natatanaw ko na si Humpy na nakatayo sa gilid ng kotse niya at nakasandal doon habang nakahalukipkip.

Ngumiti siya sa akin ng makita niya ako at saka siya umayos ng tayo. Huminga ako ng malalim at nginitian rin siya at saka ako mabilis na tumakbo palapit sa kanya.

"How is it?" Bungad niyang tanong.

"Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon, malinaw na malinaw na sa'kin ang lahat. Pakiramdam ko natanggal lahat ng kung ano mang nakabara dito sa dibdib ko, ang gaan sa pakiramdam na nagkapatawaran narin kami ni mama."

"Masaya ako para sayo, Felise. And I'm happy for your mom too." At saka niya ipinatong ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Humpy, ano ba!" Saway ko sa kanya.

Narinig ko namang tumawa siya, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa front seat para pagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you." Bigla nalang lumabas sa bibig ko yon habang nakatingin ako kay Humpy.

"Ayan ka na naman sa thank you. Hindi ka dapat nagpapasalamat sa'kin." aniya.

Lumapit ako sa kanya. "Alam ko, hindi tama yung naging plano mo na magpanggap na mahal mo'ko at maging boyfriend ko, pero alam ko na ginawa mo 'yon para din sa'kin, para masira yung masamang plano ni tito Esmael para sa'kin. Oo, nasaktan ako, galit ako sayo, pero ganun naman talaga sa love diba? Kailan mong masaktan para may matutunan. Nung nasaktan ako, natuto akong mas maging matapang, maging independent. Kaya thank you. Thank you for hurting me and loving me at the same time." Pagkatapos kong sabihin sa kanya yon ay pumasok na ako sa loob ng kotse niya. Napansin kong natameme si Humpy sa mga sinabi ko kaya impit akong napatawa.

"Oy! Humpy? Tatayo ka nalang ba dyan?" Pukaw ko pa sa kanya na tila nagpabalik naman sa kanyang sarili at nagmamadali siyang umikot papunta sa driver seat.

"So, paghatid mo sa'kin sa San Juan, babalik ka agad dito?" Tanong ko kay Humpy habang nakahinto ang sasakyan namin dahil sa traffic.

"Well, kung gusto mong wag muna akong umuwi. Hindi muna ako uuwi." aniya habang nakangiti siya at nakatingin sa akin.

"Well, Mr. Humberth Pier Alcantara, mas gugustuhin kong umuwi ka agad at asikasuhin ang pag-aaral mo. That's what I want you to do."

"Then I will. Anyway, how are you and Harold?" Nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya.

"You know the answer on that, Humpy."

Kumunot ang noo niya at umiling siya "No. I don't."

"Complicated." Maikli kong sagot.

Tumango siya at nakita ko ang bahagya niyang pag ngiti.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na byahe ay nakarating na kami ni Humpy sa tapat ng boarding house.

"Salamat sa paghatid."

Tumango siya at ngumiti. "Walang anuman. I'll go back to manila, please take care of yourself, Felise. Simula ngayon wala ng Harold na magbabantay sayo. Hindi rin kita mababantayan."

"Hindi ko naman kasi kailangan ng taga bantay. Kaya kong alagaan ang sarili ko, Humpy."

"I love you." Napaawang ang bibig ko ng marinig ko na naman ang tatlong salitang yon mula sa kanya, tila bigla na namang nagambala ang puso ko ng maglikot ito.

"I-I gotta go." Iyon nalang ang nasabi ko bago ako tuluyang naglakad papasok ng boarding house dala ang mga gamit ko.

Pag-akyat ko sa itaas ay pasimple akong tumanaw sa bintana at nakita ko naman si Humpy na pumasok na sa kotse niya hanggang sa pinaandar niya na 'yon at mawala na yon sa paningin ko.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon