32 Kabanata

16.5K 319 46
                                    

32 Kabanata
I'm innocent

----------

Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos kong malaman ang totoo. Kung paano ako niloko at pinaglaruan ng mga taong minahal ko. Hanggang ngayon sariwa parin ang lahat dahil paulit-ulit na nag e-echo sa pandinig ko ang salitang binitawan ni Humpy na dumurog sa puso ko. Kung dati natatantya ko pa kung hanggang kailan ako makakapag move-on. Ngayon, hindi ko na alam...masyadong nadurog at nawasak ang puso ko, at hindi ko alam kung kailan maghihilom ang lahat ng sugat sa damdamin ko. Pakiramdam ko sa lahat ng sakit na binigay nila sa'kin, pinatay nila 'tong puso ko.

"Felise, okay ka na ba talaga?" Tanong sa akin ni Calvin na ang akala ay nagkasakit ako nitong mga nakaraang araw dahil sa pananamlay ko at dahil madalas akong mawala sa sarili.

Nilingon ko siya at saka ako tumango sa kanya habang nakangiti. Kunot naman ang noo niya na para bang ayaw niyang maniwala.

Inalis ko ang paningin ko sa kanya at itinuon ko yon sa masayang nag po-football na sina Dave, Axel at Ivan. Nandito kasi kami sa field at kasalukuyan akong nakaupo sa isang wooden bench at magkatabi nga kami nitong si Calvin na kahapon pa nag-aalala sa kalagayan ko. Kahit nga hindi ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko ang mga titig niya na para bang inoobserbahan niya ako.

Kahapon ay pinipilit niya akong umamin kung ano raw ba talagang problema ko, gustuhin ko mang magkwento sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Mas maganda ng wala ng ibang nakakaalam ng problema ko, bukod kay Nichole at sa ilang HBB. Hindi ko nga rin sinasabi kay Calvin na tatlong araw nalang at aalis na ako rito.

Magpapakalayu-layo ako, sa lugar kung saan magbabagong buhay ako at kakalimutan ang lahat. Ang lahat-lahat. Sobra lang talaga akong nasaktan kaya ako dumating sa ganitong punto na parang tinamad na akong mangarap, tinamad na akong maging masaya.

Pag-uwi ko sa bahay ay may ibinigay naman sa aking pulang kahon ang landlady namin.

"May nagpadala niyan sayo kanina."

"Sino po?" Kunot ang noo na tanong ko sa kanya ng abutin ko ang kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos, may ribbon pa nga sa ibabaw nito.

"Hindi ko alam, wala bang note?"

Pinasadahan ko ng tingin ang kahon para hanapin kung may nakaipit na note doon, pero wala. "Wala po." Iiling-iling kong sabi.

Hindi ko naman birthday at hindi rin naman valentines day, bakit may regalo ako at kanino to galing?

"Baka galing sa boyfriend mong tisoy na pogi yan. Bakit, may inaasahan ka pa bang magbibigay sayo ng ganyan?" Aniya habang nambubuyo niya akong nginitian.

Mapait ko naman siyang ginantihan ng ngiti. "Wala na po kasi kami ng boyfriend ko kaya imposibleng bigyan niya ako nito."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Ay...g-ganun ba? Akala ko-"

"Sige po pasok na ako, salamat po sa pagtanggap nito." At saka ako pumasok na sa apartment dala ang pulang box.

Pag-upo ko sa couch ay ipinatong ko ang kahon sa mga hita ko at dahan-dahang kinalas ang nakataling ribon doon. Sa totoo lang ay gandang-ganda ako sa mga decoration na nasa labas ng karton. Halatang pinaghirapan.

Pagbukas ko ng kahon ay may mas lalo akong namangha dahil punong-puno rin ng decoration ang loob nito, may dalawang glass jar pa na sukat na sukat ang laki at lapad sa kahon. Nakapahiga ang lagay sa mga ito, may mga naka roll na ibat-ibang kulay ng papel sa loob ng glass jar puno iyon ng mga ganoon.

Binuksan ko ang isang glass jar at kumuha ng isang nakabilot na papel at binuklat iyon.

"Everything's going wrong but I know you can make them right."

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Where stories live. Discover now