"It is nice to see you once again, young Erick. You have grown." ngumiti siya. As in yung sweet talaga na smile. Naku, kung hindi ko alam na gusto niya si Gavin eh mapapagkamalan ko siyang may gusto sa mahal ko. Pero ganyan naman talaga siya ngumiti..

"Magkakilala kayo?" tanong ko na nalilito.

"Oo." Medyo parang ironic na sagot ni Erick. Parang nagagalit ata siya nang makita si Luciana?

"Paano kayo nagkakilala?" tanong ko na nalilito pa din.

"We met in the woods, during the war. He was.. 5 or 6 I think? My friend was about to kill him and his mother but I stopped him." sagot ni Luciana. Medyo nabawasan ang ngiti niya.

"Magkaibigan kami, Erick." sabi ko na parang kinakalma siya. "Nagbago na siya. She's on our side now.."

"Sana nga." sabi ni Erick. Medyo may coldness pa din sa boses niya. Napa-buntong hininga na lang si Luciana pero ngumiti din ulit siya sa akin.

Nakakaramdam ako ng uneasiness dito..

"Ate Jean, isasama ko na lang muna tong si Ate Luciana. ^__^ Lalaro naman kami." biglang sumulpot si Nikka. "Kuya Erick! Nandyan ka pala!" lumalakas nanaman ang boses niya. Kinarga siya ni Erick tapos inikot sa ere. Then binaba na niya ang bata. Kaya pagkatapos nun, hinila ni Nikka si Luciana. Si Luciana, walang magawa, kaya sumama na lang din. :))

"Erick?" tinawag ko siya.

"Bakit?" Wala na ang coldness. Buti naman. :>

"G-galit ka ba kay Luciana?"

"Hindi."

"Eh bakit parang.. Ang cold mo sa kanya?"

Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Pumunta kami sa parang wall at sumandal kami doon. Di kami masyado malayo sa mga kasama namin.

"Hindi ako galit sa kanya, sa totoo nga nagpapasalamat nga ako eh."

Ang gulo din noh?

"Pero di ko parin maiwasang, maalala ang nangyari sa nanay ko nung makita ko siya."

"Eh ano ang sinabi mong 'muntikan na kayo mamatay'?"

"Pinigilan kasi niya yung kasama niya na aatakihin ang nanay ko. Malapit na sa amin ang bampira ng bigla siya harangan ni Luciana at naglaban sila."

"Eh bakit parang ang.. sungit mo kanina? Huh?"

"Hindi kasi ako madaling magtiwala. Miyembro siya ng kalabang grupo dati."

"Pero nagawa ka naman niyang iligtas noon diba?"

Napatahimik siya.

"Oo. May dahilan kaya niya ginawa iyon, at iyon din siguro ang dahilan kung bakit siya lumipat sa atin."

"A-anong dahilan?"

"May minahal kasi siyang isang bampira. At yung bampira na iyon, ay kamag-anak ko."

"WEH?"

"Pinsan ko siya. Napatay siya noong gera kaya yun siguro ang nagtulak kay Luciana para magbago ng tuluyan."

"But still, that doesn't answer the question." -___-

"Malapit ako sa pinsan kong iyon kaya masakit para sa amin ng nanay ko na mawala siya, lalo na nung nalaman ko na ang dahilan pa ay ang mahal niyang si Luciana."

"Si Luciana?!"

"Oo. Kasi nag----"

"Ate Jean, pinapatawag ka na ni Sir Landon.” Naputol ni Celine ang sinasabi ni Erick. “Ay sorry po nag-uusap po pala kayo..”

The Dhampir's DaughterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz