"Bakit?"

"Ano sasali kana ba?" napakunot ang noo ko. Hindi ba talaga nila ako titigilan?

"Hindi!" tumabi siya saakin.

"Dali na kasi-" pangungulit niya pa.

"Marami namang iba diyan, iba nalang ang yayain niyo sa pagbabanda. Huwag ako!"

"Kung may iba pa ba kaming nakikita, kukulitin ka ba namin ngayon?"

"Ewan ko sainyo! Tara na, matatapos na ang breaktime. Baka ma-late pa tayo..."

Nagsimula na akong tumayo ngunit hindi man lang siya gumalaw sa inuupuan niya.

"Jel, tara na!" anyaya ko ulit sakanya.

"I have an idea" kaagad napakunot ang noo ko sakanya.

"Ano naman yan?"

"Cut tayo ng class" masiglang sambit niya habang masayang tumayo.

"Ano ba yang sinasabi mo. Bahala ka kung gusto mo mag-cut ng class huwag mo na ako idamay..." sabi ko at tsaka tinalikuran siya. Hindi niya ba naisip ang paghihirap ng mga magulang niya para lamang maipasok siya sa ganito kagandang school tapos sasayangin niya lang?

Ibang klase talaga ang mga estudyante dito.

Malapit na ako sa building ng maramdaman kong hinila ako ni Jel.

"Alam mo ikaw, minsan lang naman ito. Promise sayo, mageenjoy ka!" papalag pa asana ako ngunit nagsinula na itong tumakbo habang hawak hawak niya ang kamay ko.

Gusto ko mang pumalag pero wala akong magawa dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko ay paniguradong madadapa ako kapag pinuwersa ko ang sarili kong kumawala sakanya.

Iniluwa kami ng school at hingal na hingal na pumasok sa kotse niya.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?"

Binigyan niya ako ng kakaibang ngiti at tsaka pinaandar ang sasakyan niya, nakita ko pang tinodo niya ang aircon at tsaka may denial sa cellphone niya.

"Hello!" mabilis akong napatingin sakanya habang may kausap ito sa cellphone.

"Ou kasama ko siya..." aniya.

"Hoy! Jel saan mo ba talaga ako dadalhin?" bulyaw ko sakanya ngunit walang galang niya lamang tinakpan ang bibig ko at sumenyas na manahimik!

Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya.

"Malapit na kami... Ok bye! Manahimik ka nga..." iyan na lamang ang sinabi niya at pinatay na niya ng tuluyan ang cellphone niya.

Masaya siyang tumingin saakin habang may kasama pang sipol, ngunit pagtaas lamang ng kilay ang sinusukli ko sakanya.

Napansin niya siguro iyon. "Sharla, Sorry na kung natakpan ko bigla ang bibig mo hindi ko naman sinasadya"

Napa-tss ako sa mga sinasabi niya. Ganun ba talaga sila kapag gusting sabihing tumahimik ang isang tao. Hindi ko siya pinansin!

Pinilit ko lamang na ituon ang sarili ko sa paligid na nadaraanan naming.

Dinala niya ako sa isang maliit na bahay, napakunot noo ako. Hindi niya naman siguro bahay ito, hindi ba! Parang ang liit naman masyado.

Iginaya niya ako papasok kaya doon ko lamang nalaman na hindi nga ito bahay, studio pala ito. Napupuno na puro musical instrument ang loob nito.

Napansin ko rin sa loo bang nagkukwentuhang si Rio at Jasper, lumapit din sakanila si Jel kaya naiwan na lamang ako sa may pinto habang nakamasid sa kabuuan nito-

Finding YouWhere stories live. Discover now