Chapter 2

651 21 17
                                    

A/N: Eto na po.  Hope you enjoy this.  Medyo busy this week kasi finals na namin kaya sa weekend na ako mag-a-update.  Pakitingin na lang sa gilid yung picture nung mga guys.  Girls na lang wala ako. ^_^

________________________________________________________________________

"Bro, kamusta na kayo ni Noemi?" bungad kaagad sa akin ni Yosuke pagsagot ko ng phone ko.

"Asan ka ba nitong mga nagdaang araw?  Nung isang araw pa sila nag-break nun."  

Si Yohann na ang sumagot sa kanyang katanungan.  Naka-conference call kami.  Kauuwi ko lang mula sa basketball game namin kanina.  Kasa-shower ko lang at balak ko na sanang magpahinga nang tumawag ang mokong na yon.

"Pang-ilan mo na ba this week yon?"

"Pang-apat na yata niya yon."

"Bakit ikaw ang sumasagot?"

"Trip ko eh."

Itong mga 'to... lumuluwag na naman ang turnilyo sa kanilang mga utak.  Umupo ako sa kama ko habang tinutuyo ang buhok ko.  I'm just wearing my pajama since matutulog na nga ako.

"Oi Yuan!  Nandiyan ka pa ba?"

"Yah.  Nagpapatuyo lang ako ng buhok.  Napagod ako sa game natin kanina."

"Ikaw ba naman ang pumuntos ng pumuntos eh." -Yohann

"Syempre nagpapasikat yan sa mga girls.  Maraming kayang taga-ibang university na nanonood kanina." -Yosuke

"Nakakonekta ba si Ymir sa atin?"

"Si Yosuke ang tanungin mo.  Siya ang pasimuno nito." sagot ko.

"Syempre mawawala ba yon?  Wait lang ah."  Saglit na nanahimik ito.  "Shelin babe!  Magsalita ka kung buhay ka pa."

Natawa kami ni Yohann sa ginawa niya.  Ayaw na ayaw ni Ymir na tinatawag siya sa kanyang second name.  Pangbabae kasi.  Eh lalaki kaya siya.  By the way, since childhood magkakabarkada na kaming apat kaya sobrang close kami.

"Ihanda mo na ang kabaong mo bukas.  Hindi ka na masisilayan ng mga babae mo." pagbabanta nito.

"Maganda kung dadahan-dahanin mo, Ymir.  Yung tipong dama hanggang buto."

"Mga sira pala kayo eh.  Hindi pa ako nakakapagkalat ng lahi ko, pinagpaplanuhan niyo na kaagad ang kamatayan ko."

"Tama na nga yan.  Baka tanggapin ni Ymir yang suhestiyon mo, Yohann."

Patuloy pa rin silang nagtatalo.  Well... tuwang-tuwa ang mga yan sa tuwing may napipikon sila.  Kaya lang, wala ako sa mood na makipaglokohan sa kanila.  Sumasakit lang lalo ang ulo ko.

 "Bago pa mapunta kung saan yan, para saan ba 'to?"

"Wala lang.  Nami-miss ko lang kayo."

"L*l!  Wag kang madrama.  Di bagay sa'yo."

"Tama si Yohann, Yosuke.  Ano ba talagang problema?"  Nanahimik silang lahat.  Mukhang alam ko na.  "Tungkol ba ito doon sa babaeng taga-AU?"

"Pinoproblema mo ang babaeng yon?  Bago 'to ah." amazed na sabi ni Yohann.  Sa pagkakakilala namin sa kanya, siya ang pinoproblema ng babae.  Not the other way around.

"Sira!  Hindi naman talaga siya ang pinoproblema ko."

"Kung hindi siya, eh di sino?"

"May dapat muna akong harapin bago ko tuluyang maligawan ang babaeng yon.  Kaso, parang ang hirap yata nun."

My Secret [CHAPTER 10 UPDATED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat