[Special] Episose 21.5: Memories of Love

459 12 5
  • Dedicated kay Jaja Üü
                                    

Episode 21.5: Memories of Love (Special Side Story)

Malayo na si Sakura. Umalis na ito para hanapin si Tristan. At si Ken? Naiwan siyang nakaupo sa isa sa mga bench na nasa park. Wala siyang ibang kasama kung hindi ang lata ng soda na kanina pa niyang naubos. Malamig na hangin ang humaplos sa kaniyang balat habang nakatitig sa kawalan.

“Maswerte pa nga sila,” bulong ni Ken nang makatayo siya mula sa kinauupuan. Mabagal siyang naglakad upang bagtasin ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Kung ano-anong bagay ang bumabagabag sa kaniya.

Natatawa siya sa sarili. Sinabi niya kay Sakura na h’wag matakot at h’wag palampasin ang bawat pagkakataon ngunit siya mismo ay maraming pinalampas sa buhay niya. Nalala niya ang scholarship na ibinigay sa kaniya ng tiyuhin sa America na matagal na niyang tinanggihan. Nalala niya ang lolo niyang pumanaw bago pa siya makahingi ng tawad dahil sa mga kalokohang ginawa niya noon. Nalala niya ang isang random na babaeng nakilala niya sa kasal ng kaibigan ng mga magulang niya. At naalala niya si Katrina –ang tanging babaeng minahal niya sa buhay niya.

AGAD niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama nang makarating siya sa sariling kwarto. Pakiramdam niya’y pagod siya ngayong araw. O marahil ay napagod na siya sa pag-iisip.

Hindi na namalayan ni Ken na nakatulog na pala siya. Isang oras din pala ang dumaan. Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa at nagulat pa nang makitang may isang missed call mula sa best friend na si Trsitan.

Nagtungo si Ken sa tapat ng isang tokador at may kinuhang isang litrato mula sa isang lumang karton. Nakangiting babae ang makikita sa larawan. Kapansin-pansin ang sigla nitong taglay mula sa kurba ng labi at nangungusap na mga mata.

“Katrina,” tanging naibulong ng binata habang binabalikan ang mga alaala ng nakaraang taon na tila ba kahapon lang.

Biyernes ng hapon. Kulimlim ang kalangitan habang malakas ang pagbuhos ng ulan. Oras na ng uwian ng mga estudyante kaya’t isa-isa na silang sumusuong sa hamon ng kalikasan, dala ang kanilang makukulay na payong.

Inis lamang silang tinitigan ni Ken dahil alam niya sa sarili niyang hindi pa siya makakauwi. Naiwan niya ang sariling payong sa bahay nila. At gagabihin rin siya kung hihintayin niya ang kaibigang si Tristan na kasalukuyang naglilinis ng kanilang silid.

“Bahala na nga,” bulong niya sa sarili at akmang tatakbo na lang sa ulanan. Hindi naman malayo ang bahay nila mula sa paaralan kaya’t batid niyang makakauwi siya sa loob ng sampung minuto.

“Ano sa tingin mo ang gagawin mo?”
Nagulat pa si Ken nang marinig ang boses ng isang babaeng nagsalita mula sa tabi niya. Agad siyang napatingin rito at tila nalaglag ang panga niya nang makita ang kagandahan nito.

“Ahhh… ehhh–”

“Pipi ka ba?” tanong pa ng dalaga. “Ano kakong gagawin mo?” ulit pa nito.

“A-ano, uuwi na sana,” nauutal pang sagot ng babae.

“Ang lakas ng ulan, o. Ang lakas rin ng trip mo!” wika nito. “Sumukob ka na, Kenneth. Sumabay ka na,” alok pa nito sa kaniya.

“T-teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?” gulat na tanong ni Ken.
Itinuro lang ng babae ang hawak na libro ng binata kung saan nakasulat ang buong pangalan ni Ken. Napakamot na lang sa ulo niya ang binata. Ang akala pa naman niya mas stalker na siyang chicks. Magaling lang pala talaga ito sa deductions.

HINDI pa rin mapawi ang ngiting nakapinta sa mukha ni Ken kahit pa nakauwi na tio sa kanila. Hindi mawala sa isipan niya si Katrina –ang babaeng nagmagandang loob na pasukubin siya sa payong nito.

She's an Otaku [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon