Episode 11: School Festival

696 14 4
                                    

Episode 11: School Festival

Kasalukuyang naghahapunan sina Tristan ngunit malayo na ang nalipad ng utak niya. Iniisip pa rin kasi niya kung tama ba ang ginawa niyang pagkumpronta kay Renzo.

Nang matapos ang meeting at napagkasunduang isang Café ang kanilang gagawin para sa parating na school festival, agad nang napaalam si Renzo sa mga estudyante ng class 2-A.

“Renzo!”

Naglalakad na siya pababa sa hagdanan nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Lumingon siya mula sa pinanggalingan nito at napangiti nang makita si Tristan.

“Ikaw ‘yung isa sa mga kaibigan ni Sakura, hindi ba?” tanong pa niya habang nakahawak sa baba na akala mo’y may hinihimas na mahabang balbas. “Mr. Ildefonso, may maitutulong ba ako sa’yo?”

“May gusto ka ba kay Sakura?” prangkang tanong niya sa kausap.
Hindi rin alam ni Tristan kung bakit iyon ang mga unang salitang lumabas mula sa kaniyang bibig. Sa katunayan, wala siyang ideya kung bakit niya sinundan si Renzo para lamang tanungin ito.

Tila nabura ang nakaguhit na ngiti sa labi ni Renzo at nakipagsukatan ng tingin kay Tristan. “Wala naman sigurong masama, hindi ba?” sagot ni Renzo. “Saka single naman ako, mukhang siya rin naman,” pahabol pa nito.

Mas lalong nabwisit si Tristan. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang nararamadman niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis kay Sakura dahil pakiramdam niya’y gusto nito ang lalaki. O kay Renzo dahil pakiramdam niya ay ganoon din ito kay Sakura.

Magsasalita na sana si Tristan nang biglang nagwika si Renzo. “Ikaw, may gusto ka ba sa kaniya?”

Doon na nga napatda ang binata. Hindi siya nakasagot. Ang totoo’y hindi niya alam ang dapat isagot dahil hindi rin niya maintindihan ang sarili. Ginugulo siya ng puso at isipan niya.

Ano nga ba si Sakura sa kaniya? At ano nga rin ba siya para dito?

Kaibigan.

Malamang ay iyon lang ang isasagot ng dalaga kung sakaling ito ang makakarinig ng katanungang iyon.

Muling nanumbalik ang ngiti ni Renzo. “Then I will take that silence as a yes,” sabi pa nito. Tumalikod na ito kay Tristan ngunit bago umalis ay nagpahabol pa siya ng isang mensahe, “May the best man win!”

Hanggang ngayon ay nage-echo pa rin sa isipan ni Tristan ang mga sinabi ni Renzo.

May the best man win.

“Sakura, handa na ba kayo para sa school festival niyo?”

Narinig ni Tristan ang tanong ng mama niya kay Sakura na siya namang nagpabalik ng isipan niya mula sa malalim na pag-iisp.

“I’m too excited, tita!”

“O, e, may costume ka na ba?”

“Wala pa nga po, e. At sa Lunes na ‘yun.”

Napatingin naman si Tracy sa anak. “Tamang-tama. Weekend naman bukas, e.  Tristan, samahan mo si Sakura na magpatahi ng costume, ha!” paalala nito sa anak. Dahil sa kusina naman naka-assign, hindi na kailangan ni Tristan ng costume kung magiging dishwasher boy lang din naman siya sa event.

At dahil puno ang bibig ni Tristan ay hindi agad siya nakasagot. Tumango na lang siya at itinaas ang kanang kamay habang naka-thumbs up.

“Nga pala, tita. Ang cute noong mentor namin! Renzo ang pangalan!”

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now