Episode 21:Christmas Confessions: Failed

450 11 2
                                    

Episode 21: Christmas Confessions: Failed

Ika-dalawampu’t apat ng Disyembre. Alas-dos ng hapon. Magkasama sina Sakura at Renzo sa isa sa mga Video Game corners sa bayan. Naisipan kasi ni Renzo na bumili ng panibagong game para sa PS4 niya kaya’t naisipan niyang isama si Sakura –alam kasi niyang gamer at game fanatic rin ito kaya’t baka may magustuhan itong bilhin para sa sarili.

“Ayos ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong ng binata  habang nagbabayad sa counter.

“Okay lang ako,” matipid na sagot ng dalaga.

“Napansin ko kasing balisa ka. Hindi ko tuloy alam kung boring akong kasama o walang kwentang kausap,” paliwanag naman ni Renzo nang makalabas sila ng shop.

Humarap si Sakura sa kausap at nahihiyang tumungo. “Pasensya na, Renzo,” paghingi niya ng paumanhin. “At salamat sa araw na ito!”

Mabilis na tumalikod si Sakura at tumakbo palayo sa kasama. Hindi na rin siya nagawang habulin niyo dahil naisip ng binata na baka kailangan rin ni Sakura ng maiksing oras para sa sarili niya.


HANGGANG ngayon kasi ay magulo pa rin ang utak ng dalaga. Matapos niyang makausap si Mika tungkol sa kanila ni Tristan, mas lalo pa niyang naisip na hindi tama ang mga nangyayari at mga mga dapat pang mangyari. Pakiramdam niya’y nasaktan niya ng husto si Mika nang malaman nitong gusto na rin niya ang kababata nito.

Imbis na mas mapalapit kay Tristan, mas piniling lumayo ni Sakura. At ayaw man niyang maging panakip-butas si Renzo, pinayagan niya itong manligaw sa kaniya. Nagsimula na silang lumabas para kahit paano’y makalimutan niya ang lalakeng gusto.

Crush niya noon ang senior at star player ng Augustus High soccer team pero iba na ang sitwaston ngayon. Batid niya sa sarili niya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman. At sa tuwing pipilitin niyang lumaya, mas lalong tumitindi ang kirot na siyanng tumutusok sa kaniyang dibdib ng ilang ulit.

Tinatanong tuloy ni Sakura ang sarili kung bakit niya hinayaang humantong sa ganito ang lahat. Noon, kuntento na siya sa panonood ng anime at pagkakaroon ng crush sa mga fictional characters. Hindi niya lubos akalain na mahuhulog rin pala ang loob niya sa isang tunay na lalake –na hindi produkto ng kaniyang kathang-isip.

Nakapikit lang ang dalaga. Hindo siya nakatingin sa dinaraanan kaya’t mayamaya, nabangga niya ang kaharap.

“Aray!” daing niya habang sapo-sapo ang balakang.

“Sakura, ayos ka lang ba?”

Agad namang napatingin si Sakura nang marinig niyang may bumanggit ng kaniyang pangalan. “P-Plue?”

Napakunot ang noo ni Ken habang inaalalayan ang kaibigan sa pagtayo. Nakakahalata na siya Ilang ulit na niyang narinig na tinaag siyang flu ni Sakura kahit wala naman siyang sakit.

“May masakit ba sa’yo?”

“Binangga mo ako at paupo akong bumagsak sa sementadong daan. Natural masasaktan ako!”

“Okay! Relax! Ang init ng ulo mo,e,” pa-cool na sabi ni Ken habang nakataas ang dalawan mga braso. “Hindi ko naman kasalanang hindi ka nakatingin sa dinaraanan mo,” sarkastiko nitong sagot.

“Bwisit!” sigaw ni Sakura dahil sa sobrang pagka-inis.

“Let me guess, si Tristan na naman ba?”

Natigilan ang dalaga at hindi na nakapagsalita nang marinig ang pangalang iyon. Tahimik na lamang siyang napatango.

“Sakit talaga sa ulo ang lalakeng iyon,” wika ni Ken. Minabuti niyang hawakan ang kamay ng kaibigan at inakay ito sa paglalakad. “Halika nga, sumama ka na lang sa akin!”

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now