Episode 14: Sakura's Plan

624 14 6
                                    

Episode 14: Sakura’s Plan

Naka-ilang katok din si Tristan bago siya tuluyang pansinin ng kaibigan. Hindi niya ito pinagbuksan ng pinto ngunit nang makita ni Sakura na may isiningit itong maliit na piraso ng papel sa ilalim ng pinto, naisipan na niyang kausapin ito.

Napangiti na lang si Sakura dahil tila umaayon sa kaniya ang pagkakataon. Nagpasama siya sa binata at inakala naman nitong date iyon. Ang hindi alam ni Tristan, hindi lang iyon magiging daan para sa kanilang pagkakabati kung hindi maging sa katuparan ng plano ni Sakura.

WEEKEND. Alas-otso ng umaga. Kapwa naka-upo sa sofa ang magkaibigan.

“Anong oras mo balak umalis, ha?” bagot na tanong ni Tristan habang nakatitig sa TV at nanonood ng balita.

Napangisi na lang si Sakura habang nakatingin rito. “May pupuntahan ako saglit ngayong umaga,” wika niya sabay balik ng mga mata sa binabasang manga. “Magkita tayo sa park mamayang alas-kwatro ng hapon.”

*****

Maagang umalis si Sakura. Ang sabi nito’y may mahalagang pupuntahan kaya’t walang nagawa si Tristan kung hindi ang magpalipas ng oras sa bahay dahil wala rin naman siyang lakad ngayong araw.

Hawak ni Tristan ang cell phone. Tahimik na nakahiga sa sofa habang tinititigan ang isa sa mga larawan ni Sakura na downloaded mula sa internet.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga kasunod ng pag-iling. Tila kakaiba naman ang pagtibok ng kaniyang puso.

Tumayo na siya mula sa kinahihigaan at humarap sa salamin. Kanina pa siyang nakaligo ngunit hindi pa rin siya nakakapagbihis ng maayos na susuotin para sa”date” nila.

“Baliw talaga ang babaeng iyon,” mahinang wika ng binata habang inaayos ang buhok. “Ano bang naisipan niya?”

ILANG oras pa ang lumipas at nakarating na si Tristan sa kanilang tagpuan. Maaga pa siya ng kinse minutos sa dalaga. Hindi si Tristan ang tipo ng binata na mahilig lumabas kasama ang mga babae ngunit para sa kaniya, iba ang kaibigan –kung kaibigan pa nga ang turing niya rito.
Lumipas pa ang ilang minuto at walang Sakura na nagpakita. Niinip na siya sa paghihintay kaya’t agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang dalaga.

(“Hello? O, Tristan, ikaw pala. Bakit?”) casual na tanong ni Sakura mula sa kabilang linya na akala mo’y walang lalaking naghihintay sa kaniya.

“Anong bakit? Akala ko ba magpapasama ka sa park, ha?” tanong ni Tristan pabalik na tila nainis sa kausap.

(“Sorry, Tristan. I can’t come,”) sagot ni Sakura. Tila maingay sa lugar kung nasaan ito ngayon. (“I-Im… I’m busy right now!”)

“Ano?” sigaw ni Tristan. Aba at talagang iniinis ako ng babaeng ito, a! bulong niya sa isipan.

“Pasensya ka na talaga, Tristan. Alam kong magagalit ka sa akin pero–,” Sandaling katahimikan ang namayani bago ituloy ng dalaga ang pagsasalita. Narinig naman ng binata ang malalim na buntong hininga nito mula sa kabilang linya. “Okay. May isang tao kang dapat makasama at maka-usap ngayon… at hindi ako ‘yun! Basta, have a great time!” At saka naputol ang linya.
Napatitig na lang ang binata sa cellphone. Gusto itong ibato sa malayo ngunit alam niyang hindi iyon tama. Hindi tuloy alam ni Tristan kung maiinis siya dahil wala itong balak magpakita o malulungkot dahil ang buong akala niya ay makakasama niyang mamasyal ang dalaga.

Ihahakbang na sana niya ang kaniyang mga paa upang umalis ngunit may biglang humawak sa kaniyang balikat.

*****
SAMANTALA, sa lugar kung nasaan ngayon si Sakura. Muli niyang ibinulsa ang cellphone. Alam niyang hindi tamang maki-alam sa buhay ng iba ngunit hindi niya matiis si Tristan. Batid niyang sa loob-loob ng kaibigan, gusto pa rin nitong maayos ang lahat ng gusot sa buhay niya. At isa na ito sa magiging daan upang magkatotoo ang mga iyon.

Ilang araw matapos siyang sigawan ng binata, umalis ito ng bahay at wala siyang alam kung saan ito nagpunta. Agad na bumaba ng hagdan si Sakura at nagtungo sa telepono. Mabilis niyang ni-redial ang huling numero na tumawag upang muli itong kausapin.

(“Hello?”) Ilang minuto rin bago ito sumagot mula sa kabilang linya.

“Mr. Anderson, si Sakura po ito. Pwede ko po ba kayong maka-usap?”

(“Sakura? Ikaw pala, ineng. Tungkol ba saan?”) nagtatakang tanong ng lalaki.

“Si Tristan po. Alam kong gusto niyo siyang kausapin at nais ko po kayong tulungan.”

(“Ano bang ibig mong sabihin, ineng?”)

“Hindi ko rin po alam kung bakit ko gustong gawin ito pero naniniwala akong may sarili kayong dahilan kung bakit niyo siya iniwan noon,” wika ni Sakura. “Gusto ko pong magalit sa inyo pero mas gusto kong maging masaya siya.”

Napabalik naman si Sakura sa reyalidad mula sa mamalim na pag-iisip. Muli siyang umupo sa tapat ng isang arcade machine at naglaro ng Tekken.

Hindi niya alam kung hanggang kailang magmamatigas si Tristan o kung mas magagalit ito sa kaniya, ang nasa isip lang niya ngayon ay ang pagtatagumpay ng plano niyang pagbatiin ang mag-ama.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now