Chapter Nine: Save by the Bell

Start from the beginning
                                    

"But--"

"She's right."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkabog ng dibdib sa biglang nagsalita na iyon. Maging si Fredrick ay muntik nang mapatalon sa gulat. Sabay na hinanap namin ng tingin ang pinagmulan ng tinig.

Sa dulong bahagi ng kwarto ay may nakaupong lalaki na malamang kanina pa kami pinapanood! And he is grinning devilishly. Na para bang nakapanood ito ng libreng porn show!

Agad na nagsalubong ang kilay ko . Hindi ko siya kilala. But I am sure he knows me very well! At pati si Fredrick!

"Who the hell are you?" galit na sigaw ko. Shit! He saw everything! At paano na lamang kung ikalat nito ang ginawa kong paghalik kay Fredrick? I must expel him from this university first thing in the morning! I will call tonight Dean Vidanes para mapaalis ang kung sinumang Poncio Pilatong estudyante na ito.

He lifted a brow at my outburst. Naningkit ang mga mata ko. Impertinente! Hindi ba niya ako kilala?

"Why you want to know? Don't worry I am not interested in your little 'exploration'," he said maliciously na saglit na pinadaanan ng tingin ang kabuuan ko. Nangigigil ako sa reaksyon na nakikita ko na para bang pinagtatawanan ako ng mga mata nito. May ngisi pa sa labi. Siraulo talaga!

"Get the hell out of here!" inis na utos ni Fredrick. "At bakit hindi ka naka-uniporme? Gusto mo bang kinabukasan ma-expel ka ha?"

Saka ko pa lamang napansin na hindi ito naka-uniporme. All of the students of this university wear proper uniform. Isa iyon sa mahigpit na ipinapatupad ng eskwelahan. Kahit ako ay hindi ko ini-exempt ang sarili ko dahil sabi ng tumatayong governess ko I must set an example.

Pero ang lalaking ito ay paano nakapasok sa eskwelahan ng hindi naka-uniporme. Unless...

He shrugged his shoulder. "I could cancel my enrollment. Sayang lang ang pagbi-build up sa akin ng unibersidad na ito. They said it is one of the top 3 universities in the Philippines when it comes to Political Science and Law. I guess, they are wrong, dahil hindi naman makatao ang sistema ng eskwelahan na ito." Akmang tatalikod na ito pero agad na napasunod ako. Pinandilatan ko si Fredrick. He just rolled his eyes na sumandal na sa white board at humalukipkip.

"W-Wait. Of course not! I am sorry, you just caught us in a bad moment. Look, kung anuman ang pagbi-build sa 'yo about this university. It's all true. And if you want to be a good lawyer I better suggest you finish it here. By the way, I am Alex," I said sa mababang tono as I extended my hand. This is the part where my governess trained me very well. How to accommodate clients.

Ilang saglit na nag-isip ito but he shrugged his shoulder. Inabot niya ang kamay ko. "Gin."

Napakurap ako. "Short for Eugene?"

Lumuwang pagkakangiti nito. "How did you know?"

Natigilan ako. Ang guwapo pala ng antipatiko na to. Lalo na kapag ngumingiti. Nawawala ang mga mata nito at lumalabas sa kabilang pisngi ang dimple niya. He has the most beautiful eyes I have ever seen, ang tiim ng titig and yet it's full of sincerity. He has a hawk-like type of nose and a thin upper lip while his bottom lip is fuller. Ngayon ko lang din na napansin na mahaba ang buhok niya.

Fredrick is better looking than he is. Kaya lang there is something about this guy that quite caught my attention. Maybe because, his looks ay mas subtle kumpara kay Fredrick. Si Fredrick kasi ang mukha niya ay guapo na parang lagi na lamang may kamanyakan na dala, this guy is different.

He has good looks na ang dala ay kapilyuhan.

Napakurap ako. Ano bang iniisip mo, Alex! Asik ko sa sarili na agad na binawi ang kamay ko. Umangat ang sulok ng labi nito ng hinila ko ang kamay ko na para bang napaso. Napatingin ito kay Fredrick na bugnot na nakasandal sa white board.

"And your boyfriend is?"

"H-He is not my boyfriend!"

Awtomatiko na napatingin sa akin ang itimang mga mata ng kaharap ko na para bang sinasabi na, 'Oh.' And I wanted to die in embarrassment dahil base sa ekspresyon niya ay naalala nito ang naabutang sitwasyon namin ni Fredrick.

"He is a ---"

Wala akong maapuhap na sasabihin. Ano ko nga ba siya? Hindi ko naman siya kaibigan.

Tila natatawa pa ito sa pagkalito ko and he lifted his hands. "I get the idea. Anyway, nice meeting both of you. See you around," he said na sumaludo pa bago lumabas sa dulong pintuan. Naiwan lamang akong nakatanga rito.

Antipatiko. Ang guwapong antipatiko.

"So where were we?" Fredrick asked na nakahalukipkip pa rin. Inis na nilingon ko ito.

"Instead of thinking about the bulge of your pants, you better warn whoever that person is na huwag malaman ng iba kung anuman ang nakita niya and least of all, huwag malaman ni Carmi. I am sure higit pa sa kumukulong tubig ang ibubuhos niya sa 'yo," inis na sabi ko. Nakita kong nawalan ng kulay ang mukha nito, marahil ngayon lamang niya naisip ang impact ng nangyari. Tumalikod na ako at dire-diretsong lumabas sa kwarto.

Pag mamalasin ka nga naman!


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Forgotten Memories Book 1 (2013)Where stories live. Discover now