"A..." ang tanging nasabi niya lang sa kwento ng kasintahan

inilapit naman ni Maja ang upuan sa kanya. kinuha nito ang platong hawak hawak niya at inilapag sa sahig "I miss You" sabi nito sa kanya habang yakap yakap siya. sa halip na sagutin ito ay siniilan na lang niya ng halik ito sa noo

hinayaan niya na lang na yakapin siya ng nobya, siya rin ay bahagyang nakayapos dito. napabitiw naman siya sa pagkakayakap sa dalaga ng biglang lumitaw ang kanyang handler na si Nhila 

"Ge, ayusin mo na yung gamit mo" sabi ng handler sa kanya

napakunot naman agad ang kanyang noo "bakit?"

"pack-up na..."

mas lalo pang kumunot ang kanyang noo "pack-up? bakit pack-up na? diba may scene pa kami ni Sarah?"

"e umuwi na si Sarah e"

at mas lalo pang kumunot ang kanyang noo "umuwi?" may bahid ng pagka-alarma sa ang kanyang boses "bat umuwi?"

"sumama bigla yung pakiramdam"

"ha?" ngayon naman ay may bahid ng pag-alala sa kanyang boses "anung nangyari? panung anu---panung masama yung pakiramdam?"

"ewan ko. si Ana na lang yung nagpakita samin e, siya na lang nag-paalam para kay Sarah kay Direk Cathy" sagot nito sa kanya "anung ginawa mo kay---" natigilan sa pagsasalita si Nhila ng mapagtanto niyang hindi lang pala silang dalawa ang nasa paligid

"---kay Budoy. sobrang spoiled" nasabi na lang ni Nhila "wag mo na kong pansinin. ayusin mo na yung gamit mo ha?" bilin nito sa kanya bago sila iniwan muling dalawa

binalingan naman niya ang kasintahan na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. hindi pa rin maialis ang kakunutan ng kanyang noo. iniisip niya kung anung nangyari kay Sarah? bakit bigla biglang naging masama ang pakiramdam nito? kanina naman nung magkasama sila ay ngiting ngiti ito at tila walang bakas na magkakasakit ito, anung nangyari? sa kinain ba nila ito? o sa biyahe? 

"Bie? Bie?" tawag ni Maja sa kanya na ikinabalik namang muli ng kanyang diwa. binalingan naman niya ng tingin ang nobya "o?" 

"okay ka lang ba?" may halong pag-aalala sa tono ng pagkakatanong nito sa kanya 

"oo naman" pilit niyang pinasisigla ang kanyang boses "bakit?"

"parang hindi e"

"pagod lang siguro to" katwiran niya. tumayo siya mula sa kinauupuan "ayusin ko lang yung gamit ko ha?" paalam niya sa nobya "sandali lang"

naiwan naman si Maja sa kinauupun nila, pinagmamasdan siya nito habang siya ay naglalakad papalayo sa kasintahan...

~~o~~o~~

"pasok..." sigaw niya ng marinig ang katok mula sa labas ng kanyang pintuan sa kwartoid nito. nakatayo siya sa may terrace ng kwarto, nakasuot siya ng kulay blue na pajama at over-sized na Tweety bird t-shirt

"o Pot?" sabi niya ng makapasok ang kapatid "anung ginagawa mo dito? diba may shooting ka? bat nandito ka?" dagdag na tanong pa niya 

walang anu anu'y tumakbo si Sarah papunta sa kanya at niyakap siya patalikod

"bakit?" tanong niya dito "Pot? anung nangyari? ha?" 

"huy?" ginalaw pa niya ang kanyang balikat "bakit?"

panay lang ang hikbi ng kapatid sa likod niya. naramdaman niya na mas hinigpitan pa nito ang pagkakayap sa kanya, hinawakan naman niya ang mga braso nitong nakapulupot sa may bewang niya 

"alam ko namang may nagmamay-ari na sa kanya..." panimula ni Sarah kasabay ng hikbi 

"...pero ngayon lang talagang naging totoo...." pagpapatuloy nito habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha

"...ngayong nakita na mismo ng mata ko"

"Ate...." at mas lalo pang umagos ang mga luha nito "...ang sakit pa rin...ang sakit sakit pa rin....tumatagos pa rin"

"akala ko wala na, akala ko ubos na....pero nung nakita ko siya, yakap yakap ng iba...."

"...wala palang nabawas, hindi ko pa rin pala kaya....isuko ang dapat sana'y akin"

"masakit pa rin palang makitang iba na ang nagpapangiti sa kanya, dati ako yung dahilan ng mga ngiting yun..ako yun dati"

pumihit naman siya patalikod at buong suyong niyakap si Sarah. kung kaya lang pawiin ng yakap ang sakit na naramramdam nito ngayon, yayakapin niya ng lubos ito...ng buong higpit at pagmamahal....hanggang sa tuluyang mawala ang hinihikbi nito

hinigpitan ni Sarah ang pagkakayakap sa kaya "Ate, gusto ko na siyang alisin sa puso ko...pero hanggang ngayon, kinakapos pa rin ako"

kung minsan nga naman, may mga bagay talaga na kahit pinaglipasan na ng panahon...kapag nagkita't nagkasamang muli, bumabalik ang akala mo'y wala na...

ang akala mong...hindi pala

----------------------

O AYAN NA HA???....ANG KASUNOD NA UPDATE!!

ANG LALAKAS NIYO TALAGA SAKIN!!

HANGGANG DIYAN NA MUNA OKAY PO??

COMMENTS/VOTES...MAS MARAMI..ALAM NIYO NA!!

HAPPY THURSDAY

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon