Chapter 29: Her Threat

Start from the beginning
                                    

"Haha! nag bibiro lang naman ako." nagtawanan na lang kaming lahat, si mama talaga oh.

Tumingin sakin si Miggy na nagtataka, sinabi ko na lang na wala lang yun. Hindi niya kasi alam na pogi yung tawag ni Mama kay Dante. Hehe seloso pa naman to si Miggy kaya mas mabuti pang hindi na niya malaman.

Ang dami kong nakain, mas lalo pang sumarap yung luto ni Miggy eh. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami ni Miggy kala pala. Dumretso agad kami sa school tapos nakita namin si Apple tska Sarah.

"Totoo ba to?" gulat na gulat si Apple nung makita niya yung kamay namin ni Miggy na magka holding hands.

"Kayo na ulit?" nagulat din si Sarah pero naka ngisi siya samin ni Miggy, nag ka tinginan kaming dalawa ni pudge tapos tumawa kami.

"Obvious ba?" sabay pa kami nag sabi nun.

"OMG! I'm so happy!" niyakap ako ni Apple, mukha nga talaga siyang masaya ah.

"Hoy Apple OA mo ah! Waaa Tin I'm so happy din for you and Miggy!" lumapit siya tapos niyakap niya din ako. Tignan mo to, ganun din siya eh.

"Thanks mga bakla, masaya din ako okey na kami ni Miggy." tumingin ako kay Miggy tapos ngumiti ako sakanya.

"Pudge, una na pala ko sa class ko. Malate na ko eh, kita na lang tayo mamaya." lumapit siya sakin tapos bumulong siya. "I love you."

"I love you too." ngumiti siya sakin tapos hinalikan niya ko sa pisngi.

"Sige Apple, Sarah! Una na ko ah." nag wave si Miggy tapos umalis na din siya. Pagka lingon ko dun sa dalawa naka ngiti sila sakin, yung ngiting nakakaloko. Waaaa! ano na naman trip ng dalawang to?

"Ayieee! Ang cheesy niyo ah!" hala adik talaga to si Apple. Nang asar na naman. -___-

"Ako na naman nakita niyo ah! kahit kelan talaga--" muntik na ko matumba dahil dun sa bumangga sakin. Grabeng bangga yun, akala mo sinadya eh. "Ouch!"

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" pagkakita ko nagulat ako. Hindi dahil si Mina yung naka bangga sakin, nagulat ako kasi ibang iba yung ugali na pinapakita niya ngayon. Expected ko na mag so-sorry siya pero hindi.

"Hoy Mina! ikaw kaya yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" galit na galit si Sarah.

"Ako? eh paharang harang kayo sa daanan eh." hindi ko talaga maintindihan bakit ganyan makipag usap samin si Mina, galit ba siya samin? sakin?

"Sorry Mina." napa tingin siya sakin, parang naiirita siya na makita ako.

"Anong magagawa ko sa sorry mo? natapunan na ko ng juice eh, mang aagaw na nga tanga pa." lumapit agad sakanya si Apple, tinulak niya sa braso si Mina.

"Hoy babae anong karapatan mong sabihan si Tin na mang aagaw ha?! tska kung tumitingin ka sa dinadaanan mo tingin mo mababangga ka?! ikaw yung tanga!" nagulat kaming tatlo kasi tinulak din ni Mina si Apple, napa atras naman si Apple.

"Totoo naman ah! inagaw niya sakin si Miggy! pagkatapos niyang ipag palit si Miggy kay Dante, babalik siya na parang wala lang?! kung hindi muna kasi siya lumandi.." sinampal ni Apple si Mina, pagkatapos nun sinampal din siya ni Mina tapos nag sabunutan sila. Inawat namin agad ni Sarah si Apple, inawat naman ng mga kaibigan niya si Mina. Napa tingin samin yung mga studyante na dumadaan.

"Kasalanan ba ni Tin na mas pinili siya ni Miggy?! at for your information hindi ka naman talaga minahal ni Miggy! ginawa ka lang niyang panakip butas kaya wag ka mag mataas samin!" ang lakas ni Apple, hindi naman siya mapigilan ni Sarah, galit na galit talaga siya.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now