Chapter 36

474 20 3
                                    

Parang ang bagal ng oras, kanina pa ako naglalakad pauwi ng bahay pero parang hindi pa ako nangangalahati sa destinasyon ko.

Wala sa kalsada ang atensiyon ko, ang atensiyon ko nandoon pa rin sa mga nalaman ko. Parang ang hirap paniwalaan. Akala ko prank lang ang lahat. Umaasa ako na may biglang magsasabi na joke lang ang lahat ng nangyari ngayong gabi.

Napahawak ako sa mukha ko at napa-upo sa gilid ng kalasada. Humagulgol ako at pilit na sinasabunutan ang sarili, "bakit saakin pa nangyari lahat ng 'to?! Ano bang kasalanan ko?! Ang ayos ng buhay ko pero bakit nagkaganito?! Tahimik na ako e! Tanggap ko na lahat ng mayroon ako! Pero bakit ganito?!!" Kumuha ako ng bato at binato sa kalsada. "Waaahh!!"

Iyak lang ako ng iyak ng nay maramdaman akong humawak sa braso ko. Dahan dahan akong tumingin sa humawak saakin pero ng makita ko kung sino siya, bumalik ako sa pagkakayuko at naiyak na naman.

"Hershey, ihahatid na kita. Hating gabi na, baka kung ano pang mangyari sa'yo." Sabi ni Irene.

Umiling ako, "no! Umalis ka na! Kaya ko na ang sarili ko." Pinipilit kong maging mahinahon sa pakikipag usap sakanya pero sobrang hirap, hindi ko kaya.

"Hindi Hersh. Hindi kita pwedeng iwan, lalo na't ganito yung sitwasyon mo. Ihahatid na kita sa-"

"I said umalis ka na!! Kaya ko ang sarili ko Irene! Please.." pakiki-usap ko.

Tinignan niya ako bago siya sumagot, "sige. Kung 'yon ang gusto mo. Pero kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako, tutulungan kita." Nginitian niya ako tsaka na siya umalis.

Pinanood ko si Irene habang papalayo saakin. Napatayo ako tsaka pinunasan ang luha ko. Hindi pwedeng iiyak na lang ako ng ganito. Gagawa ako ng paraan para maayos ang problema ko.

Hindi ko ipapaalam kay Danica na alam ko na ang lahat. Humanda na lang siya dahil sa ginawa niya.

Tumakbo ako tsaka hinabol si Irene. "Irene!!" I shouted. Kailangan ko ang tulong ni Irene para sa plano ko.

Huminto siya tsaka ako hinarap, "may problema ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "Gusto ko lang sabihin na.. na tulungan mo ako. Tulungan mo ako kay Danica." Mahinahon kong sambit.

Kumunot ang noo niya. "Tulong? Paanong tulong?"

"Kailangang ibalik ko lahat ng maling ginawa niya saakin. Tulungan mo ako."

Tumango siya. "Hindi lang siya sayo may ginawang mali, payag ako. Tutulungan kita."

***

Nakarating ako ng bahay ng umiiyak. Kahit anong pilit ko na pigilan ang luha ko hindi ko magawa sa tuwing naalala ko ang mga nangyari. Pagbukas ko ng pintuan, laking gulat ko ng makita ko si Yowan na umiiyak din.

Agad siyang napatingin sa direksiyon ko tsaka siya tumayo. Dali dali niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"H-Hershey.. sorry, sorry sa na-"

Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko, "okay lang Yowan. Thank you." Ngumiti ako ng pilit tsaka tumingala para pigilan ang luha ko na parang tutulo na naman.

"T-Thank you? Thank you saan?" Kunot noo niyang tanong.

"Thank you kasi, kung hindi dahil sa'yo baka habang buhay na akong mabuhay sa kasinungalingan. Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ang hindi mo pagdating sa music show. Ang laki ng utang na loob ko sa'yo. Salamat."

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon