CHAPTER 12

24 1 0
                                    

"Baba na tayo! Bilis!"

Tumalon na ko. Tumalon na din si Sean.

"Teka."

Kinausap niya yung driver at pagkatapos, lumapit na siya sakin.

"Tara na! Wooo!"

Hinila niya ko. Hahahaha! Nasa isang resort kami. Campuestohan ang pangalan. Ang lamig nga dito. Ito pala ang little baguio ng Bacolod. Nagrent kami ng isang room. Ang cute nga nang room e! Hahahaha xD Nagjacket ako at ganun din si Sean. Tapos nun, gumala kami. May mga statue ng league of legends, avengers pati si Kingkong meron! Ang lalaki-laki ng statue ni Kingkong! Ang saya xD

Nagbike kami sa ere! Syempre siya bumayad! Gago yun. 5,000 lang naman kasi binayad ko sa driver. -___-May pupuntahan pa kasi kami pagkatapos nito. Siya rin bumayad sa room.

"Zip line tayo!"

-Hinila ko siya papunta sa zip line.

"Libre mo?"

Binatukan ko nga.

"Umaabuso ka na!"

"Oo na! Hahaha"

Ayun. Siya na bumayad. xD

"Para mas gumaan pakiramdam mo, isigaw mo lahat ng sakit dyan sa puso mo."

-Sean.

"Ayoko nga! Magmumuka akong tanga pag ginawa ko yun."

"Bahala ka."

. . . . .

"LANGYANG BUHAY TO! NAPIPIKON NA KO! BAT BA KASI KAILAN KONG MARAMDAMAN TO?! TANGNA NAMAN! NASISIRAAN NA KO NG BAIT! ANO BA ANG DAPAT KONG GAWIN?! MAHAL KO SI DAVE!!!!! PERO AKO PA ANG NAKIPAGBREAK SAKANYA! PAGTANGA KA NGA NAMAN!!!!! LECHE!!!!!!"

-Sigaw ko. Huminga ako ng malalim.

Ang sarap sa pakiramdam. Pagka-alis ng safety gear sakin. Lumapit ako kay Sean. Tapos na kasi siyang mag zip line. Ngumiti siya sakin

"Ang sarap sa pakiramdam."

"Akala ko ba magmumuka kang tanga pag ginawa mo yun?"

"Ewan. Masarap atang magpakatanga."

Ngumiti ako sakanya.

"Tara?"

Tumango ako.

Pumunta kami sa hanging bridge. Wow. Ang ganda. Kitang-kita ang buong Bacolod dito.

And I saw another breathtaking sight from up here.

Sunset.

"Wow. Ang ganda." -Sabi ko habang nakatingin sa sunset.

"Oo. Ang ganda nga."

"Ang ganda. Parang pag-ibig lang. Maganda talaga. Masarap mahulog at umibig."

***

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Mar 28, 2016 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Strangers With MemoriesМесто, где живут истории. Откройте их для себя