CHAPTER 6

11 4 0
                                    

Nasa elevator kami ngayon.

"Room number mo?"

"304"

"Cool. Im on 305."

"Paano kung pilitin nila tayong umattend ng training?"

*Ting!

Lumabas na kami ng elevator.

"Sasabihin nating, ayaw natin."

"Baka paalisin tayo sa rooms natin?"

"Bat naman nila gagawin yun? Binayaran kaya natin yun!"

Tumawa ako. Naalala ko kasi yung 30,000 na binayad ni Sandra. May silbi din pala yun. XD Pumasok na ko sa room ko at pumasok na din siya sa room niya. Nilagay ko lang maleta ko dun at nagbihis. Lumabas na ko at pumunta sa room niya. Bago ko pa makatok yung pinto ng kwarto niya, lumabas na siya.

"Tara?"

Tumango siya.

"Tara na! Hahaha"

Hinila ko siya palabas ng hotel at pumara ng taxi. Nung baba na kami....

"Ako nagyaya diba? Oh, edi ako magbabayad."

-Sabi ko.

O? Edi natawa siya? Hahahaha xD Baka magaway nanaman kami kung sino magbabayad kaya inunahan ko na. :D

Paglabas namin ng taxi...

"Party people!!!! Jump! Jump! Jump!"

-Sigaw nung bokalista ng live band. Sinunod naman ng mga tao.

"Woooo! Time to party baby!"

-Sabi ko at hinila siya papunta sa harap.

Naki-jam lang kami dun. You know, tatalon-talon, wagayway ng kamay, sing along and forget about all the shits Im thinking of. I checked my watch, 11PM. Really? Hindi kami nakapaghapunan! Hahahaha!

"HUY! KAIN TAYO!"

-Sigaw ko.

"ANO?! HINDI KO MARINIG!"

-Sigaw niya rin.

Edi sige, magsisigawan kami. XD

"SABI KO, KAIN MUNA TAYO!!!"

"AHH! SIGE! TARA."

Buti at nagkaintindihan kami. :D Umalis muna kami sa harap ng live band. Nyeta lang. Ang sikip. Madapa-dapa na ko sa sikip buti't nahahawakan ako netong si Sean. Nasa likod niya lang ako, sinusundan lang siya. Hawak niya naman ako sa pulso e. After God-knows how long, nakarating din kami sa tents ng mga pagkain. Medyo masikip din pero hindi kasing sikip katulad dun sa live band.

Since puno lahat ng kainan at walang maupuan, pinabalot na lang namin yung sampung barbeque. Tig-lima kami. Walang kanin. Pero may light drinks kami. Mga apat na antonov lang. Tig-dalawa kami. Sino nagbayad? Syempre ako, ako nagyaya e. :D Naupo kami sa gilid ng daan. Safe naman walang dumadaan na sasakyan. Close kasi yung street. Hindi rin masikip dito. Medyo malayo sa mga live bands at tents ng mga pagkain.

"Pan, ilang taon ka na?"

-Tanong niya.

"Basta. Im too young to be broken."

"Tinatanong ng maayos hugot ang sinagot. Tsk."

"Hahahaha! Sa tingin mo ba ilang taon na ko?"

"Hmmm. Basta. I think you're old enough to be wounded."

***

Strangers With MemoriesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu