CHAPTER 7

12 4 0
                                    

Binatukan ko siya.

"Aray naman!"

-Sabi niya sabay himas sa batok niya.

"Salamat sa support. Tangna mo lang e."

Inubos ko na yung second to the last barbeque ko. Asar lang tong si Sean e. -__-

"Eto naman, naasar agad."

"Fine. I'll let it slide."

Huminga ako ng malalim.

"Sa lahat ng pinagdaanan mo, magmamahal ka pa ba?"

Nilingon ko siya. Umiinom lang siya ng antonov.

"Hindi ko alam. Natatakot ako e. Ewan. Muka akong tanga dito. Hindi ko alam kung hihilom pa tong mga sugat ko dito."

-Sabi ko sabay turo sa kaliwang dibdib ko.

"Ikaw ba? Matapos ang lahat ng mga past relationships mo na puro nothing ang nangyari, magmamahal ka pa ba?"

Katahimikan. Hindi siya sumagot. Pinagiisipan ata. Kung sabagay, nagdadalawang isip nga din ako.

"Mamaya ko na yan sasagutin. Pag-iisipan ko muna."

Ayun. Pag-iisipan nga.

"Naks! Pag-iisipan? Mag-iisip ka na? Bago yan a! Hahahaha!"

Inirapan niya ko ng pabiro. Natawa ako dun. Ang kulit lang. Hahaha!

"Bat ka sumali sa training na yun?"

-Tanong ko.

Naubos ko na yung barbeque ko kaya tumira na ko ng antonov.

"Songwriter's block?"

Natawa ako.

"Hahaha! Gagu. Meron ba nun?"

"Oo, pinapa-uso ko. Hahahaha!"

"Shet. Malala ka na. Sigurado kang yun lang yun?"

-Pang-uusisa ko. Malay ko kung may ibang rason pa siya maliban dun?

"Oo. Kung sa tingin mo na nandito ako para makalimot sa mga 'NOTHING' ko. Sinasabi ko sayo, nakamove-on na ko."

Angaling niya. Nakakabasa ata to ng isip e! -___-

"Paano mo nagawa yun?"

Nilingon niya ko. There goes his puzzled look again.

"Ang alin?"

"Ang lumimot."

"Ah. Hindi ko naman talaga nilimot e. Tinanggap ko lang."

"Hindi ko maintindihan."

"Sa buhay kasi, may dadating at may aalis. Pag may dumating, mahalin natin. Pag may umalis, tanggapin na lang natin."

"Ganon lang yon?"

"Madaling kalimutan ang tao, yung pinagsamahan hindi."

Natahimik ako dun. Sa lagay ko? Hindi ko kayang kalimutan ang pinagsamahan. Lalo na yung tao.

Tumagay na lang ako ng antonov.

"Ikaw bat ka sumali sa training?"

-Tanong niya din sakin.

Bat nga ba.?

"Hmmmm... Napilitan?"

"Sigurado ka?"

Tsk. Psychic talaga to e!

"Pakyu. Oo na! Anong sagot ang gustong mong marinig? Honest or flattering?"

Kung flattering: Writer's block. Kung honest: Makamove on kay Dave.


***

Strangers With MemoriesWhere stories live. Discover now